Thursday, October 10, 2013

Royal Fighter 3 (Si Clyde)

Kinaumagahan naghanda na siya para pumasok sa trabaho, excited siya sa mga magiging reaksyon ng lahat sa kanya, paglabas niya kwarto nagulat ang kanyang kapatid at ina sa itsura niya para silang nakakita ng bagong tao sa bahay.

Nanay: Cnu ka? Bkit ka nasa kwarto ng anak ko?
Drake: Nay naman ako to! Si Drake.
Nanay: Niloloko mo ba ako, pano hahaba ng ganyan ang buhok ng anak ko, saka hindi ganyan kakinis ang anak ko.
Drake: Nay ako to, may nangyari lng sakin kahapon. May experiment kasing ginagawa sa katabing building namin nagvolunteer akong magtry kaya ayan ito pala epekto. Gwapo ko noh? (Pagdadahilan niya)
Nanay: Eh kung ikaw nga anak ko? Kailan birthday mo?
Drake: May 13, 1990, pinanganak ako sa bulacan. Kapatid ko si ac pinanganak noong Feb 15, 1992
 Corazon Roque panagalan niyo, tatay ko si Alfredo J. Robles.
Nanay: Anong regalo mo sakin nung birthday ko?
Drake: Binigyan kita ng bulaklak at alak na wine, kala ko 800 pero 1600 pala nung nasa counter na ako.
AC: cge nga saan tayo pupunta sa Sabado?
Drake: Sa office dadalin kita dun. (Sabay bulong sa kanya "Sa boyfriend mo")
AC: Ngee!! Ikaw nga!!
Nanay: Pano nangyari yan?
Drake: Gwapo ko nay noh?
AC: Totoo ba yan? (Sabay sabunot sa buhok niya)
Drake: Aray! Totoo yan... sira ka talaga.
Nanay: Gwapo naman ng anak ko.
Drake: pupunta nga ako dun sa laboratory para makita nila.
Nanay: Aba anak pwede ba ako dyan?
Drake: D pwede nay eh, kung pwede lang kaya lang mahal , milyon naswerte lang kaya napili ako.
AC: Kuya Drake ako rin!!! (Pagpupulmilit nito)
Drake: hahahahahah!!!!

Sa paglabas niya ng bahay ay parang nakita ng artista ang kapitbahay nila, hindi magkandaugaga ang mga tao sa pagtitig sa kanya.

Kapitbahay 1: Sino siya Ka Coring?\
Nanay: Anak ko! Yan talaga itsura naakabalat lang. Tinatago niya ung ginagawa ng companya niya sa kanya
ngayon lng niya nilabas, mainit na raw.
Kapitbahay 2: Hmmmp? Yata?
Drake: Ako nga to, gusto niyo patunayan ko?

Binuksan nito ang videoke nila at nagsimulang kumanta, sa simula palang parang nagsabog ng pera sa harap ng bahy nila sa dami ng taong nakikinig sa kanya.

Kapitbahay 3: Puta si Drake nga!
Kapitbahay 2: Ibig sabihin nagpapaayos ka ng katawan noon pa man?
Drake: Oo, hahahha, Cge pasok na ako malalte pa ako.

Hanggang sa paglabas niya ay parang may mga asong sumusunod sa kanya, tinatanong siya kung ano nangyari sa kanya, magkano pagawa sa katawan niya, pano niya naitago? Gumawa nalang siya ng maraming kwento para masagot lang sila. Pagsakay niya sa Bus ay parang matutunaw siya sa tingin ng mga tao sa kanya. Pinilit niyang maupo sa likod, ngunit hanggang maupo siya ay nakatanaw sa kanya ang mga tao, dahil hindi makapagpigil ung iba pasimple ang ibang kababaihan at kalalakihan na lumilipat ng upuan hanggang mapansin niyang halos lahat ay nakaupo na sa likod pwera sa dulo kung saan siya nakaupo. Parang hindi lang talaga magawa ng iba na maupo sa tabi niya sa hiya. hanggang may sumakay na lalake, gwapo ito at maputi, may katangkaran at mukang may pinagaralan. Napatitig ito sa kanya habang naghahanap ng upuan.
Mauupo na sana ito sa bandang unahan, ng mapatitig din si Drake sa kanya, napahinto ito sa porma ng pagkakaupo at tumayo ulit, pumunta ito sa likod at naupo sa tabi niya.
      Nakatingin ito sa kanya ng nilingon niya ito, nagawa namang bawiin ng lalake ang tingin niya rito pero halatangnangingiti ito. Wala namang reaksyon sa mukha ni Drake at tumingin nalang ulit sa bintana.

Clyde: Hi sir, pwedeng magtanong?
Drake: Ha? Ok lng, ano un?
Clyde: Model po ba kayo o artista?
Drake: (Biglang natawa) hahaahahah, napatawa mo naman ako, panu mo naman nasabi yun?
Clyde: Para kasing hindi bagay sa inyo magbus.
Drake: Ha? bakit naman.
Clyde: Mukha po kasi kayong mayaman.
Drake: Hindi mahirap lang ako, model? Pangarap ko yan.
Clyde: Ayos!, Pwede bang mahingi number niyo? (Sabay dukot sa cellphone nito na iPhone5)
Drake: Ikaw nga mayaman eh, naka iPhone kapa kuya.
Clyde: Clyde nalang, ano pangalan niyo po?
Drake: Maka-PO ha? 23 lng ako ikaw ba?
Clyde: ay bata ka pa pala 28 na ako.
Drake: Bata pa naman un ha? Saka bakit mo nasabing ayos?
Clyde: Model Photographer ako sa Ortigas, pwede ka ba ngayon?
Drake: Ngayon? Hmmm di pwede eh may pasok ako.
Clyde: ok lang, kailan kaba pwede?
Drake: Saturday afternoon.
Clyde: Cge set ko yan, sarado kasi ang shop pag sabado, pero dahil bago ka schedule kita sa sat. ano nga pala number mo?
Drake: 0927.......(sasabihin na sana niya  ng mapansin niyang may nakalabas na phone lahat ng tao sa paligid niya) akin na nga tatype ko hindi ko kasi kabisado eh (sabay kuha sa phone niya)

Hanggang makarating siya ng MRT hindi humihiwalay si Clyde sa kanya, kahit parang naiilang si Drake natutuwa siya sa nangyayari, feeling niya may boyfriend siya na nakaakbay sa kanya. Ngiting -ngiti si Clyde sa kanyang pagamamsid dito, dahil siguro napapnsin nitong nakatingin sa kanilang lahat ng taongdadaanan nila. May pasimple, may halos madapa, may nauntog sa kasalubong, may hindi kumikilos, may sumasabay, may kumikindat kapag tumanaw siya at may mga nakanganga na talaga.

Clyde: sarap mo palang kasabay.
Drake: Oh bakit naman?
Clyde: Feeling ko ang gwapo gwapo ko, kahit pagkamalan nila akong bakla ok lng whahhahah.
Drake: Kinilig naman siya ng kaunti sa narinig. (Gago to ha? Feeling close?)

  Pagsakay nila sa MRT, Siksikan as usual, mula sa pagbili ng ticket, pagpasok sa station hanggang makasakay ay talagang hindi bumibitaw itong si Clyde sa balikat niya.Gusto na niya sanang magreklamong mabigat pero nahihiya rin siya. Sa isip niya mas ok na rin un para hindi siya mailang sa mga nakatitig sa kanya, "Gwapo din naman tong mokong nato, hayaan ko na nga".
    Halos mahalikan na niya si Clyde sa pagkakadikit nito sa kanya, pinipilit kasi nito na pigilan ung mga gumigitgit sa kanila.Parang isang security guard ito sa pagprotekta sa kanya, na labis niyang ikinailang pero ikinatutuwa rin, wla pa sa kanyang nagpahalaga ng ganito, "Sarap ng feeling", para siyang kinukuryente sa tuwing madidikit ang dibdib ni Clyde sa kanya, lalo pa siyang nailang ng ngumiti ito sa kanya. Feeling niya namumula siya.

Clyde: Oh, nahihirapan kaba? Namumula ka na?
Drake: Ha? Oo sikip eh.
Clyde: Oo nga eh, hirap kumilos pero ok lng, sayang kasi kung masusugatan o magasgasan ka.(sabay smile)
           (Lumitaw tuloy lao ung dimples nito)
Drake: Ganun, gago ka talaga feeling mo sakin jchalk sa lambot? Para magasgasan?
Clyde: hahahha, medyo.
              "Ortigas Station!!! Ortigas Station!!!!"
Drake: Hay sa wakas.
Clyde: excuse po!! (Parang isang guard na nagtataboy para makaraan ang artista)
Drake: (Sabay palo sa balikat nito) Para kang tanga! (napapasin niyang nakangiti lang naman ung mga tao sa kanya walang naiinis, walang nakasimangot sumusunod lang ito sa pagtabi, feeling niya tuloy para siyang hari)
Clyde: hatid na kita!
Drake: Ha, ok lng tol baka malate ka sa appointment mo.
Clyde: Ok lang, may magandang bagay naman akong idadahilan eh. (Sabay dukot sa bag)
           Wait lang ha? (Nilabas nito ang DSLR niya sa bag)
Drake: Oh? Ano yan?
Clyde: Konting pause naman?
Drake: Dito? Kakahiya ano kaba?
Clyde: Ok lang yan wala namang masama, sa tingin ko nga kahit sa basurahan ka kuhanan ng picture mabebenta ko.
Drake: Gago ka, nambola ka pa.
Clyde: Expression mo na ba ung gago? Kanina pa yan ha? (sabay kunot sa noo, naparang nagpapacute)
Drake: ay sorry brad, nagugulat lng kasi ako sa pinaggagawa mo.
Clyde: Cge na. kahit Tumayo ka nalng tapos tingin ka sakin.

Sumunod nalang siya para matapos na.

Drake: Oh cge dito nalang ako. Text mo nalang ako kapag ok na ha?
Clyde: Oo naman, gusto mo ngayon text na kita.
Drake: HAhahah, loko ka talaga. Cge pasok na ako baka malate pa ako. nice to meet you.
Clyde: Nice meeting you too, marami pa tayong pagsasamahan for sure!

Sa pagpasok sa opisina, kapansin- pansin na nakatitig lahat ng tao sa kanya. Tumingin nalang siya ng deretcho at naglakad ng deretcho dahilan upang magmukha siyang maangas at matikas. Lalong dumami ang nakatitig sa kanya habang naghihintay siya ng elevator. Pagbukas ng elevator parang nakakita ng artista ang mga lumalabas, pamilyar ang mga mukha nito sa kanya, mga taong hindi siya pinapansin noon at pinaguusapan siya kapag nakatalikod siya. Tinignan lang niya ito ng walang ngiti at tumingin ulit sa elevator. Nakatayo lang ang mga ito habang nakatitig sa kanya, parang kinikilala siya habang sumasara ang elevator.
     Kapansin-pansin din ang pagtingin sa kanya ng mga nakasakay sa elevator, hindi nalang niya ito pinansin bagkus lalo niyang inanagat ang kanyang dibdib na lalong pinagmukha niyang matchong-matcho. Pagalabas niya ng elevator agad niyang binati ang lady guard na nakatitig sa kanya.

Drake: Hi, ate.
Lady Guard: Hi , sir?
Drake: Hindi mo ako nakilala noh?
Lady Guard: Para ngang pamilyar kayo?
Drake: Ako to ung laging kumakausap sayo? Tinanggal ko lang ung syntetic na balat ko para makita nila kung sino talaga ako at anong totoong itsura ko.
(Pinakita nito ung ID niya)
Lady Guard: Ikaw nga sir, GWAPO NYO!!! (Patiling sambit ng babae)
Drake: Ay, kailangang tumili? (Pabaklang sambit) Sabay barge at pasok sa floor)

  Sa Floor , nakaharap sa computer si Ms.Claire.

Ms. Claire: Buzzer beater ha?
Drake: Oo nga po eh, muntik na malate.
(naupo ito dahilan upang hindi siya makita ng amo pagtingin nito sa kanya)
Ms. Claire: marami na namang email, kailangan 0 back-log ha?
Drake: Yes, mam.
(Lumapit ito sa station para iabot ung mga request paper)
Ms. Claire: Oops, pogi cnu ka? Bkit ka nandito sa station ng agent ko? Nasaan na ung Drake n un?
(Habang lilinga-linga ito)
Drake: Ms. Claire ako po ito! Si Drake.
(Nakatitig lang sa kanya ito, hindi makapaniwala sa nakikita)
Ms. Claire: Drake??? Ikaw ba yan?
Drake: Yes mam, ito po talaga ang itsura ko.
Ms.Claire: Ha? Niloloko mo ba ako ato?
Drake: Hayy naku mam, kung ayaw mo maniwal di wag. Pero ako to. (Nagpaliwanag siya ng mga ginagawa niya) Oh, ano mam?
Ms.Claire: Ikaw nga?
(Sabay kuha sa mga papers ni Drake, habang nakasimangot pakiramdam niya naisahan niya ang boss niya)

   Gayun din ang nangyari sa mga katarabo niya hindi siya nakilala ng mga ito, pero habang nagbibigay siya ng mga patunay at kwento naniwala rin sila at labis na gulat ang makikita sa kanilang mga mukha. Halos puro papuri at paghanga ang naririnig sa mga ito na labis niyang kinatuwa, wala na siyang paglagyan ng kanyang katuwaan ngunit sa kabila nito nanatili siyang mababa at natural sa sarili niya na tila walang nagbago. Masungit pa rin siya minsan, madaldal kung minsan, hndi nagbago ang ugali niya approachable parin siya kahit minsan mukha siyang suplado. Habang lumilipas ang araw lalo na niyang nakakasanayan ang ganung tingin sa kanya ng lahat.
      Lumipas ang buong weekdays ng walang hindi nakakapansin sa kanya, tila mababali na ang ulo niya sa pagyuko at pagbati sa lahat, masakit na rin ang kamay niya kakaway sa kakilala o pag appear sa kanila. Sa kanyang pag-uwi maraming nais sumabay sa kanya, isang linggo lng ang nagdaan pero parang naging kaibigan niya ng lahat ng tao sa buong building na pinagtratrabahuhan niya.
      Friday evening, pauwi na siya halos 11:30 pm narin siya natapos sa papaer works and email request niya, kaya halos gusto na niyang matulog. Lalabas nalang ng building ay marami paring bumabati sa kanya at nagpapahaging ng paghanga sa kanya. May tuksuhan, nagpapakamusta, nanghihingi ng number o nakikipagkilala. Nagulat nalang siya ng may kumalabit sa kanya.

Drake: Clyde? Ano ginagawa mo rito?
Clyde: Out kana ba? Tara sabay na tayo?
Drake: Ha? Hinintay mo ako lumabas? (binigyan ng wirdong tingin)
Clyde: Ha? hindi ah nadaan lang ako tol eh nakita kita kaya nilapitan kita. Hindi pa ba? Cge una na ako.
Drake: Nope. Actually out na ako may kinausap lang cge sabay na tyo. Cge guys uwi na ako (sabay kaway sa mga nakipagkilala)
                         "Ingat Drake! ....Ingat kuya!..... Bye Kuya!....''
Clyde: Sikat ka pala rito?
Drake: Hindi naman ngayon lang.
Clyde: Panung ngayon lang?
Drake: Ngayon lang kasi ako natutong mag ayos ng sarili kaya ngayon lang. Medyo nerd kasia ko dati. Typical na nakasalamin nakaclose neck na polo at pants. (Paglalarawan ng isang nerd na tao)
Clyde: Talaga,buti nalang palanakapag-ayos kana bro, nung nakita kita.
Drake: Bakit? Kasi hindi mo rin ako mapapansin? (Sabay simangot)
Clyde: hindi naman. Pero ganun talaga kailangan makita muna bago maniwala.
(medyo nalungkot siya "Panu kaya kung bumalik ung dati kong itsura kausapin pa kaya ako nito?")
Clyde: wag mo na nga pansinin ung sinabi ko, heheheh mahalaga close na tyo. Sa sabado ha?
Drake: Bakit ano meron sa sat?
Clyde: Oh? nakalimutan mo na? Diba model na kita sa Sat?
Drake: Pumayag ba ako? (kunwari nag-iisip)
Clyde: Hala!, di pwede yan naschedule na kita. Alam mo ba sabi ng amo ko nung pinakita ko ung picture mo. Na kapag naisam kita sa office bibigyan nya ako ng malaking bunos.
Drake: Ah. ganun......!!! (pang-aasar) Pwes hindi ako sasama humhumhum!!
Clyde: Eh, Hindi pwede, anak naman ng tokwa eh. Please sama kana....!!! (Pinagdikit ung mga kamay na parang nagdadasal)
Drake: Ayoko nga! (Feeling babae)
Clyde: Hirap mo naman ligawan, ung iba nga magpacute lng ako nakaoo na.
Drake: Gago ka talaga feeling mo sakin babae?
Clyde: hindi naman, pero sige na pls.. pls...plsssssssss.....

   Ngumiti nalang ito sabay takbo patawid sa kalsada, hinabol naman siya nito na parang mga batang naghaharutan. Suntok sa balikat, hatak dun hatak dito parang walang sasakyang dumadaan, sa bus hanggang sa fx na sinakyan nila. Nang nasa kabayanan na sila, nagpaalam na siya, ganun din naman ang ginawa ni Drake, suminyas pa ito ng nagsasabing tatawag siya.

Pagdating niya sa bahay kumatok nalang siya sa pinto, pinagbuksan naman siya ng kanyang ina na ng oras na yun ay nagising sa kanyang katok. Pinagpahinga na niya ulit ung nanay nya pagkatapos niya magmano. Hinubad ang suot na polo at sapatos, naghugas ng kamay at kumuha ng makakain. Habang kumakain siya may napansin siyang isang pares na sapatos na pamilyar sa kanya , pansamantalang nag-isip ng hindi makuntento nilapitan niya at kinuha.

Drake: Kay Adonis to ha? Hindi ako pwedeng magakamali sa kanya to. Adonis? Adonis? (tawag niyang mahina sa hangin)

Nang walang lumitaw bumalik siya sa pagkain at nagpahinga na rin. Tinabi niya sa pagtulog ang sapatos na nakita. Nagising siya tunog ng cellphone niya. Rinnnnnnnggggggggggggggggggggggggggggg!!!!!!!!, hindi kasi siya mahilig sa may kantang ringtone kaya old ring tone lang nilalagay niya.

Drake: Hello?
Clyde: Drake! Si Clyde to. Ano pupunta kaba? Please pumunta ka, gusto mo sunduin pa kita.
Drake: Magpapaalam muna ako sa Mama ko. Baka hindi ako payagan eh.
Clyde: San kaba nakatira sa Paombong?
Drake: sa hangga, bakit? (biglang naputol ang linya), Hmp, weird?

Makalipas ang 30 minutes, nagring ulit ang phone?

Drake: Hello?
Clyde: Nandito ako sa kanto ng hangga, puntahan mo naman ako?
Drake: Ha? Sandali lang (kasalukuyang nasa banyo, naliligo) W8 ha? d mo naman sinabi na pupunta ka, naliligo ako eh.
Clyde: Ganun ba? ahhahahah cge bilisan mo magbihis.
Drake: Demanding? Sandali lng boss ha.

    Hindi malaman ni Drake kung bilis ang gagawin niyang pagbibihis, sa sobrang pagmamadali nakaboxer short lang sya lumabas, dahilan para manlaki ang mga mata ng lahat ng taong makakita sa kanya. Sobrang puti ata kinis ng balat niya lalo na't tinatamaan ng sikat ng araw ang balat niya. Dahil sa pagkagulat at taranta hindi na pinansin pa ni Drake ito, ang tanging nasa isip niya ay si Clyde. Hindi niya alam kung bakit pero parang siya pa ang nahihiya dito na paghintayin siya.
    Denial niya ung number na nasa call register niya, nagring ng dalawang beses.
Clyde: hello?
Drake: nandito na ako, nasan kana tol?
Clyde: Umalis na ako tol tagal mo eh, next time nlang. Parang hindi ka naman interesado eh.
Drake: Hay, naku nataranta pa naman ako pagtakbo dito, wala kana pala. (Nakakunot ang noo)
(May humawak sa likod niya)
Clyde: talaga?
Drake: Anak ka ng tokwa oh! (akmang babatukan) (ilag naman ci Clyde)
Clyde: Oh, oh oh, nageffort na nga akong sunduin ka mananakit kapa? (sabay smile)
Drake: Naku Clyde wag mo nga ako daanin dyan sa pacute mo? Sinu naman nagsabing sasama ako sayo?
Clyde:Eh, pagapapaalam kita sa mama mo eh?
Drake: Ha? (magsasalita pa sana siya tianakpan ni Clyde bibig niya, agad namn niya tinggal) ano ako dalagang ilalabas sa date, at kailangang ipagpaalam.
Clyde: Whahaha, alam mo bang nakaboxer ka lang?
Drake: (Napahinto) (Sabay tingin sa suot na pang-ibaba) Oo nga  pala, ikaw kasi eh.
Clyde: Ok lng yan, nakaunderware ka nmn eh saka lalake k naman at may ipagmamalaki (sabay nguso sa nakabukol sa boxer ni Drake)
Drake: Gago!Tara na nga sa bahay! (sabay hatak)

     Habang nasa bahay si Clyde na ang nagpakilala sa sarili, maigi naman diyang inasikaso ng ina ni Drake, pumayag din itong sumama si Drake sa kanya. Wala na siyang nagawa pa kundi sumama sa lalakeng kagabi pa nangungulit. Nagbihis na ito, pero bago niya suutin ang damit niya tinanong niya kung anong isusuot niya sa opisina nila.

Clyde: Kahit ano? Ako na bahala sayo sa office maraming damit dun.
Drake: cge cge. Ano sasakyan natin papunta?
Clyde: Kotse ko.
Drake: Ha? may kotse ka? San mo pinarada?
Clyde: sa labas wala naman sigurong gagalaw nun dun?
Drake: sana sinabi mo ng naiparada mo dun isang bahay namin. Sandali nalang magsasapatos nalng ako.

    Paglabas nila angat na angat  ang kagwapuhan niya kay Clyde, lalo na suot nitong polong itim at jeans na itim.Kitang- kita pagiging maputi niya at kinis ng kanyang balat. Habang nasa kotse sila, napapansin niyang panay ang tingin ni Clyde sa kanya.

Drake: alam mababangga tayo niyang gingawamo.
Clyde: Sensya na excited lang akong makita ng amo ko, tiyak matutuwa sayo yun.
Drake: Nga pala anong product ba ang iniendorse nyo?
Clyde: Magazine. Men's Health
Drake: Talaga?
Clyde: Yup, panigurado tataas sale namin for this month.
Drake: Lakas ng faith mo sakin ha? Bakit ako? Bakit hindi artista?
Clyde: Sawa ang mga tao sa mga artista, minsan mas ok pa ung hindi sikat pero hanepa ng itsura mas mataas pa ang sale minsan.
Drake: Ganun? Cnu nmn kaya bibili ng mukha ko? (Nakalimutan na gwapo na siya)
Clyde: Anu ka ba? May salamin ba sa inyo? Humarap ka nga at sabihin mong panget ka. Sigurado pati salamin tututol.
Drake: Sobra ka namang makapuri.

Dahil hindi pa nakakrecover sa puyat sa trabaho nakatulog  na sa byahe si Drake, maya-maya pa'y ginising siya ni Clyde at lumabas sa kotse.Pagdating sa lugar nagulat si Drake dahil nasa isang resort sila naroroon. Hindi muna siya lumabas ng kotse, nasa isip parin niya ang dati niyang itsura, makikita agad na maraming photographer at modelo na nagaayos. Naggwagwapuhan at naggagandahan ang lahat wala ka talagang itatapon, seksi, matcho, mestizo, moreno morena lahat walang panget para siyang nasa ibang mundo na bawal ang hindi maganda sa mata. Nakita niya si Clyde na may kausap na matanda na nakasuot ng polong bulaklakin "Ito siguro amo nitong mokong nato". Maya-maya pa'y pinuntahan siya ni Clyde.

Clyde: Baba kana! Tara!
Drake: Cgurado kaba rito parang paningit lang ako rito.
Clyde: Ha? Hello to Drake, marunong kabang tumingin ng maganda? Pre maitatapon mo sila sa Planet Neptune sa itsura mo. Tiwala lang.
(Naisip ni Drake na iba na nga pala ang itsura niya. Huminga muna siya ng malalim saka lumabas ng kotse)

Huminto ang lahat ng tao sa kanilang ginagawa, parang tumigil ang oras sa pagbaba ni Drake sa kotse, Walang gumagalaw lahat nakatingin sa kanya, lahat binabantayan kung anong gagawin niya. Feeling ng mga modelo ay nagmukha silang back-up para sa isang artista.

Clyde: Sir, siya po ung sinasabi ko?
Amo: Ano pa ginagawa mo dalin mo na yan sa dressing room at ng mapicturan na, bilis!!!
          (Tarantang pag-uutos, na  nakatitig pa rin kay Drake)

Itutuloyy...................












Wednesday, October 9, 2013

Royal Fighter 2 (Rebelasyon)

Masakit ang ulo ni Drake ng siya ay magising, bukod pa ang sugat niya na natamo sa pagkakatama ng ulo niya.

Nanay: Sino ba kasi ung sinasabi mong bata?

Nagkwento si Drake, kinuklusyon nalang ng kanyang ina na ito aya kanilang poon at ginabayan lng sya pauwi. Nagtungo siya sa kwarto at nagbihis, masakit parin ang ulo niya ng maupo siya sa isang bangko. Tinatanaw niya ngayon ang sugat sa ulo mula sa salamin na nakaharap sa kanya mula sa aparador.

Drake: Hayy, anu ba yan panget na nga nagkasugat pa!
(Nang may tinig na sumagot)
Tinig: Hindi ka panget! (Tunog ng maliit na tao)
Drake: haahah, ikaw talaga kenneth, (pamangkin ni Drake na babae)
(nilingon nya ang kusina, walang tao)
Drake: Baka lumabas na. Sakit!! (sabay Hawak sa ulo)

Maagang naghapunan si Drake, habang pinaguusapan ng buong pamilya ang nangyarin sa kanya. Naalimpungatan siya ng bandang 3:00 ng madaling araw sa init na nagmumula sa bintilador.Hindi nya maintindihan kung bakit mainit ang singaw nito. Sa pagaalala na baka maoverheat at pagmulan ng sunog binunot nya na ito sa saksakan na tuluyan nitong paghinto.

Pssst,.....
Psssst...
Psssst.......

Isang pagkuha ng atensyon na ikinabahala ni Drake, hinanap nya ang pinagmulan nito dahil sa madilim ang kusina wala sya masyado matanaw dahil sa nagaadjust pa ang kanyang mata.

Drake: Nay? Ace? (bunsong kaaptid na babae)
(walang sumasagot)

Napagdisisyonan niyang tunguhin ang saksakan upang magbukas ang ilaw ng kusina. Padating niya sa sala nagulat siya ng may nakatalukbong na bata (masasabing bata dahil sa hugis nito sa puting kumot na nakabalot)

Drake: cedrick? (isa pang pamangkin na lalake)
           Gabi na matulog ka na ha!

Sa pagaakalang ang pamangkin ang nakahiga ay hindi na niya ito pinansin at binuksan ang ilaw para sa kusina, bumalik siya sa lababo at kumuha ng baso nilagyan ng tubig at ininom ito. habang umiinom may nakikita siyang imahe sa likod ng baso na bata na nakatayo sa harap niya. Tumalikod siya upang ibaba ang baso, "Diba sabi ko matulog kana" sa kanyang pagharap hindi niya alam kung sisigaw  siya o tatalon sa takot. Ung bata na nakaharap sa kanya ay yung bata na kasama niya sa bus at nakangiti ito ngayon sa harap niya at tila natutuwa ito sa reaksyon niya.

Bata: Wag ka matakot kuya. gusto ko lang magpasalamat sa paguwi mo sakin dito, nga palamay balita ako sayo matatapos na ung paghihintay mo sa hinihiling mo. Cge kuya tulog kana marami ka pang gagawin bukas.

Sa mismong harapan niya naging isang paru-paro ang batang nasa harap niya. Na tuluyang niyan ikinawala ng malay. Nagising siyang may bimpo sa ulo.

Drake: ano to?
Nanay: anu b nangyayari sayo anak kagabi? Tawag ka ng tawag nang kung sino sino tapos, bigla na lng may kumalabog?
Drake: Nakita ko na naman ung bata kagabi, masisisra na ulo ko sa kanya.
Nanay: Magdadasal ka kasi anak, di ka kasi nagsisimba kay kung ano ano nakikita mo.
Drake: hayy, sa tingin ko nga po. Simba ako mamaya.

Naligo siya,  at nagbihis na patungo sa simbahan. Habang nakasakay sa jeep iniisip pa rin niya ung sinabi nung bata tungkol sa hinihiling niya, "Anung hiling?" habang tumatayo ang balahibo niya. Sa simbahan sinumulan na niyang lumuhod ng mapansin niya ang mga suot niyang alahas na kulay dilaw mula sa pagiging puti.

Drake: Teka, ano to? Kumupas ung silver? Hindi ginto ba to?
           Ginto nga ba? Anung nangyayari?
"Ito na ang pagbabago ng buhay mo''
(isang tinig na narinig niya mula sa harap niya, pagharap niya ay isang matanda na may belo na puti ang nakita niya)

Drake: Anu ho? Sinu po kayo?

Para siyang sinabuyan ng nagyeyelong tubig ng makita niya ang mata ng matanda , (kulay asul).

Drake: Diyos, ko!
Matanda: Wag ka matakot sakin, matakot ka sa nakuha mo, pinagbigyan niya ang hinihiling mo sana magamit mo ng maayos, mag-iingat ka dahil ito rin ang magiging simbolo ng pagsibol ng mga demonyo.
(sabay sa pandidilat ng mata)

Sa ganitong sitwasyon, natatakot man ay nagawa ni Drake magtanong sa matanda, "Anung hiling?" Mahinang pagatatanong niya sa matatanda.

Matanda: Isang hiling para sa kapangyarihan at kayamanan. Sana wag mo itong pagsisihan.

Matapos masabi ng matanda ang mga katagang ito nagbago ang anyo nito bilang isang paru-paro na tulad nungb batang nakita niya ngunit sa oras na ito, ang paru-paro ay kulay puti habang sa bata ay kulay asul.
Labis niyang ikigitla ang mga nangyayari, sa sobrang takot pinikit nito ang kanyang mga mata at nagisip. Upang mapatunayan ang nagyayari nagtungo siya sa sanlaan upang kompirmahin kung ginto nga ang nakasuot ngayon sa kanya. Sa kanyang paglalakad patungo sa sanlaan napapnsin niya ang mga tao na nakatingin sa kanya, sa mga mata nila ay makikitang para silang nakakita ng artista o sikat na personalidad.

     Malapit na siya sanlaan ng marinig niya ang isang grupo ng kakabaihan na tinatawag siya.

Babae: Hoy! Pogi!
Drake: Ako ba? (sabay turo sa sarili)
Babae 2: Oo ikaw!
Babae 3: Pwede bang makuha number mo?
Drake: Ha? Bakit? Ok lang (anu nangyayari?)
Babae: Thank you, Kuya! (pagkatapos ibigay ang number niya sabay kiss sa pisngi niya)

    Hindi niya alam kung anong reaksyon ang gagawin niya, nawiwirdohan na siya sa lahat ng nagaganap. Iiling-iling siya ng magtungo sa harap ng alahera, napansin niya rin na sobrang makatitig ang dalawang alahera sa kanya na parang gusto siyang ikama.

Alahera 1: Sir, anu po satin? (maarteng pagtatanong sa kanya)
Alahera 2: Magsasanla po ba kayo? Anu po sasanla ninyo? Kayo? este Iyang singsing?
Drake: (Nakataas ang kilay na natatawa) Ahh itong singsing ipapacheck ko lng kung tunay.
Alahera 1: Mukha namang tunay..... (nakatingin sa harapan niya,Lumingon ulit sa mukha) ung singsing.
           pero para makasure check po natin.
(Sabay kuha sa kamay ni Drake At dahan dahang kinuha ang singsing)
(Tumalikod ung isang alahera para icheck ung singsing)
Alahera 2: Bakit nyo po papacheck?
Drake: Benenta aksi skin tignan ko lng kung hindi ako naluko.
Alahera 2: Ganun ba? Hmmm wait lang sir ha!
Alahera 1: Sir 32K sir 7.5 g.
Drake: Ha! (nakadilat ang mata)

Sa sobrang kaguluhan ng isip, nagmadali na siyang sumakay ng jeep pauwi. Habang bumibyahe napansin niya ang mga tao sa loob na lingon ng lingon sa kanya. Pati driver tila gustong makipagkilala sa kanya. Isang binata na kaedaran niya, isang lalakeng halata mong bading, 3 studyanteng babae at isang maskuladong mama na kalbo na tingin niya ay isang gym instructor.Ilang na ilang siya sa mga titig ng mga tao sa loob ng jeep feeling niya hinuhubaran siya ng mga ito.

Drake: Bayad po! (pagaabot sa bayad)

Laking gulat niya ng abutin ng 6 na kamay ang pera niya.

Driver: Wag na iho, libre ka na!
Drake: Ha? Ganun po ba thank you po!
Driver: May lahi ka bang banyaga ato?
(Tanong na lubha niyang ikinagulat, sa buong buhay niya ngayon lang may nagtanong sa kanya ng ganun at tumingin sa kanya ng ganun)
Drake: Wala naman po? Bakit niyo nmn po nasabi?
Driver: Napakagwapo mo iho!

Sabay sabay naman nagsiayon ang mga pasahero sa loob, may kumukuha ng number may nagpapicture at nagtanong kung saan ako nakatira. Sa lahat ung mamang kalbo ang medyo nailang siya, himas kasi ng himas sa dibdib niya ito "Dapat palakihin mo pa to, dun kana lang sa gym ko palalakihin natin katawan mo!" Para makuntento nalang ito sumangayon nalng siya. Sa pagababa niya ng jeep nagsikaway pa ung mga pasahero na para bang close na close sila.

     Iba rin ang nararamdaman niya sa paglalakad papuntang bahay nila, ung mga taong iniisnab siya noon ay parang mga bestfriend niya na lumalapit at kinamusta siya, nagtatanong ng kung ano-ano, pati mga tambay "Pre" na ang tawag sa kanya. (Feeling close?) nagugustuhan na niya ang nangyayari para siyang isang sikat na artista na kilala ng lahat, parang kapangyarihan ni aprodity (Goddess of Love & Beuty) ang meron siya. Sa ideayang iyon naalala niya ang isang salita na hiniling niya.

"Gusto kong magkaroon ng 100 beses na doble sa kapangyarihan ni Aprodity sa pagkuha ng atensyon ng tao para hindi na ako mawawalan ng kaibigan at 1000 beses ng kanyang kagandahan upang maakit ko ang sinumang nanaisin ko. Pero syempre family not included"

Feeling niya para siyang isang diyos na sasambahin ninoman. Humarap siya sa salamin at napansin niyang parang may kung anong usok ang lumalabas sa kanya na kulay lila. Wala na ang mga pimples niya, wla ni isang marka , maganda ang kanayang mga daliri parang porselana ang balat niya at kulay darkgreen ang kanyang mga mata. Biglang humaba ang kanyang buhok hanggang kili-kili, kulot man ay tila napakalambot nitong tignan, hanggang may lumitaw na tao na pamilyar sa kanya.

Drake: Ikaw! Sino ka bang bata ka? Anong ginawa niyo sakin?
Bata: Ako si Adonis, diba hiniling mo na mas maganda, kaakit-akit, mas marikit at mas kapuna-puna ka sa aking ina ng ilang daaang beses. Ito na yun binigay niya ang hinihiling mo.
Drake: Ano? (Kaya pala ganun sila)
Adonis: Dahil si ina ay isang babae, binigay niya karikitan ng katawan ko sayo , dahilan upang bumalik ako sa pagiging bata. Ninais ko kasing maging bata ulit, at para maisakatuparan ito kailangan ko ng taong may kakayahang ahawakan ito. At ikaw ang taong yun!
Drake: anung meron ako? Na wala ang iba?
Adonis: Ikaw ang may kaisa-isang tao na may idea kung papano gamitin ang ganitong kakayahan sa mabuti, sa kabila ng alam din namin na maari mo rin itong gamitin sa pansariling kagustuhan.
Drake: Paano kayo makasisigurado na gagamitin ko ito sa tama?
Adonis: Hindi namin kailangang bantayan ka, Naniniwala ka naman sa karma diba?
Drake: Oo
Adonis: Ito ang iyong tandaan,sa bawat maling pagagamit mo sa iyong kapangyarihan, ay unti-unti itong lalakas sa iyong katawan hanggang hindi mo na ito makontrol. Magagawa  mong maakit ang sinumang masisilayan ka, hanggang hindi na nila makayang hindi ka makita, magsisimula ka ng gulo at kasakiman sa puso ng lahat ng makakakita sayo upang maangkin ka. Na ikakapapahamak mo, ng iba, ng iyong pamilya, at lahat ng nakapaligid sayo. Isang delubyo!

Sa pagkakasabi ni Adonis ng mga katagang ito isang napakagandang babae na walang kawangis ang karikitan ang lumabas sa emahe ng salamin.

Aprodity: Tandaan mo rin na, ang tanging makapagpapababa ng iyong kapangyarihan sa normal ay kung matutumbasan mo ng sampo ang isang pagkakamali. Nasasayo ang ikapapahamak at ikagaganda ng iyong kapangyarihan. Isa pang bagay sa iyong kahilingan na higitan ang aking kagandahan, ikaw ay isa nang imortal,ibig sabihin hindi ka tatanda o mamatay depende na lamang kung ito ay iyong gugustuhin.
Drake: Paano ko malalaman kung tama o mali, kung silang lahat naakit sakin?
Aprodity: Iba ang nagkukusa sa ipipilit.
Drake: Naiintidahan ko na, pero bakit naging ginto angmga alahas ko?
Adonis: Pasensya na, sa sobrang kagalakan kong bumalik sa pagiging bata, patia ang kaakyahan kong gumawa ng ginto ay naibigay ko sayo.hahahaahah
Drake: Ibig mong sabihin lahat ng hahawakan ko magiging ginto?
Adonis: hindi naman lahat, pero kung gagamitin mo rin ito sa masama hindi mo na rin ito makukuntrol. At pati lahat ng hahwak sayo magiging ginto kahit ano kahit tao.
 Drake: kung gagamitin ko ba ito para tulungan ang aking ina ok lng ba?
Adonis: Ok lng naman, basta wag itong sosobra sa iyong pangangailanagan.

Pagkatapos mabangit ito ay nagpaalam sila sa pamamagitan ng pagkaway, gusto pa sanang magtanong ni drake ngunit hindi na niya nagawa. Sa paglipas ng oras ay lalong nagbabago ang kanyang katawan, lumalaki ang kanyang mga muscle sa hubog na gusto niya, tumaas pa siya na tantya na ay mula sa 5''9 ay 6''5 na siya.
Napakagandang pagmasdan ng kanyang mga daliri na tila pinasadyang hubugin.


Itutuloy.......












Royal Fighter Part 1 (Drake)

Sa pagsisimula ng kwentong ito, ilalahad natin ang bida sa kwentong hango sa tunay at imahinasyon ng may akda. Ang blog na ito ay personal na ginawa upang ipahayag ang tunay na nasa isip ng kanyang pagkatao, maipahayag ang nararamdaman at pangarap na gusto nyang maramdaman kahit na ito ay hindi maaring magkatotoo.
    Si Drake isang simpleng binata na walang masyadong hangad sa buhay kung hindi umaunlad at makamtan ang mga bagay na hindi niya lubusang makuha. Lalo na ang pag-ibig, hindi niya kasi sigurado kung ano ang gusto niya. Hindi niya alam kung babae o lalake ang nais niyang makasama sa buhay, pero kahit ganoon ang kanyang estado kontento naman siya sa buhay nila dahil nabibilang siya hindi mayaman o hindi naman mahirap na pamumuhay.

Drake: Isa lang naman ang gusto ko, maging masaya!

Yan ang madalas na sabihin niya sa kanyang sarili. Hindi pa kasi niya naranasang magmahal ng totoo. Puro makamundong pagnanasa lang ang kanyang nararamdaman sa mga taong nakapaligid sa kanya. Undergraduate siya sa isang unibersidad, nasira ang konsentrasyon niya sa pag-aaral dahil sa larong DOTA. Hindi na halos siya nakakapasok kaya marami sa kanyang mga subject ay bumagsak. Matalino at madiskarte si Drake kaya kahit ganoon ang nangyari sa kanya nagkakaroon pa rin siya ng trabaho. Dahil sa liit ng sweldo at pagod sa Industriyang pinagaralan niya nagawa niyang pumasok sa Call Center industry at kasalukayang nagtratrabaho hanggang sa ngayon.

Drake: Thank you for calling Customer Service my name is Drake, How may i help you?

Araw-araw yang ang laging bukang bibig ni Drake "Kakasawa", pero wala naman siya magawa dahil bukod ayaw niyang bumalik sa Hotel Industry ay kailangan niyang magbigay ng P5000 pesos sa nanay niya every cut-off para makatulong sa monthly bill nila. Hindi masyadong palakaibigan si Drake, kaya halos walang masyadong pumapansin sa kanya. Tipikal na formal siyang manamit, Long-sleeve at black or white pants and black shoes, mas mukha nga siyang supervisor sa amo niya. Paborito niyang magsuot ng trench coat na hanggang tuhod kaya talagang kapansin pansin siyang pumorma lalo na't may katangkaran din siya at maayos na hubog ng katawan dahil sa paminsan minsan niyang paggy-gym.

Nathan: Ayos pormahan natin tol ha, para kang detective sa coat mo. (sabay smile na may pangaasar).

Si Nathan isang katrabaho ni Drake na medyo malapit sa schedule ng shift niya. Simula kasi nung maabot niya ang target ng company, nilagay siya sa email base account kaya  medyo petiks sila. 2:00 pm to 11:00 pm si Drake at 5:00 pm nman ang simula ng shift ni Nathan.

Drake: Oh late ka na naman mapapagalitan ka na nyan.
Nathan: Ako papagalitan? malabo yan. Ako yata ang boss!! HAhahaha
Ms.Claire: Boss ka dyan!! Late ka na naman? Ikaw talaga, malapit ka na sakin!

Si Ms.Claire, ang antipakang amo ni Drake, na walang ginawa lagi kundi pataasin ang kilay sa ahente kapag hindi niya gusto. Isa si Drake sa mga ayaw niyang ahente, pero dahil ito lang maasahan niya sa maraming emails and request ay hindi niya magawang alisin ito, bukod pa dito ay talagang kabisado na ni Drake ang pasikot sikot ng kanyang trabaho. Bihira lang kasi ang tumagal sa trabahong yun, at karamihan ay iniiwasan ito.

Nathan: Trapik boss, lakas pa ng ulan.
Ms. Claire: Eh di sana, maaga ka umalis. Dahilan mo??!??!
              Oh, Drake, ilan ang request?
Drake: Wala po para ngayon, pero maraming answerable emails.
Ms.Claire: Gusto ko walang pending yan ha! 0 backlog dapat.
Drake: Yes boss.
(Sabay ngiti, tinaasan naman siya nito ng kilay at tumalikod na papuntang station nito)

12:03 pm na ng umalis sa office si Drake, as usual O.T na naman, pero ayos lang sa kanya dahil friday naman na at RD (rest day) na siya. Bulacan ang inuuwiang bahay ni Drake, dahil may kalayuan at malulugi siya sa pamahe pabalik-balik naisipan niyang mag stay-in sa office at lingguhan nalang umauwi. Habang nasa biyahe may napansin siyang isang bata na sa tingin niya ay nasa 10 o 11 taong gulang na nasa harapan niya at nakatingin sa bintana. Pinagmamasdan niya ito, napansin niyang wala itong kasama. Sa sobrang pagtataka kinalabit niya ung bata.

Drake: Uy bata! Wala ka bang kasama?

Tumingin sa kanya ito at umiling. Sa pagtingin nito sa kanya napansin niyang kulay asul ang mga mata ng bata. Bumalik ulit sa pagkakatingin sa bintana ung bata. Sumandal nalng siya ulit at nagiisip kung gaano katalino ung bata para makabyahe mag-isa. Sa sobrang pagod napapikit siya at pansamantalang nakaidlip.

Condoctor: Sir! Saan po tayo?
Drake: Sa Hangga po.
Condoctor: Kalahati nlng po itong bata.
Drake: Ha? ( sabay tingin sa tabi niya)
Condoctor: Kilala niyo ba to sir?
Drake: Ha? ahh pamangkin ko.
Condoctor; e2 sir (sabay abot sa dalawang ticket)
(pagalis ng conductor ay inangat nya ung bata na nakahiga sa hita niya na akala niya ay bag niya kanina na ngayon ay yakap nung bata)
 Drake: Sino bato? Kung hindi lang ako pagkakamalang kidnapper itatanggi ko tong batang to.
           Bata? Bata? (Nagising ung bata na pupungas pungas pa)
Bata: Dito na po ba tayo?
Drake: Ha? San kaba nakatira? Saka bakit ka nakahiga sakin? Ba't nasayo yung bag ko?
Bata: Dami nyo naman pong tanong. Isa -isa lang po kuya.
Drake: (Aba! May attitude pa, nasabi nito sa sarili habang pinagmamasdan ang pagiinat ng bata) Uy magnanakaw ka no? Akin na nga yang bag ko! (sabay kuha sa bag niya, na inabot naman ng bata)
Bata: Hndi naman po, dinatayan ko lang po. Wala po akong kinuha.
(tinignan ni drake ang wallet niya at nandun naman ito walang nabawas)
Drake: Bakit kaba nag-iisa san kaba pupunta?
Bata: Sa amin. Naiwan kasi ako ng boss ko.
Drake: Boss? (Pinagtratrabaho naba tong batang to? O yun lang tawag niya sa magulang niya?)
           Sinong boss, tatay mo? Nanay mo?
Bata: Hindi! basta.
(hindi nalang siya kumibo at inisip na"naisahan ako ng batang to ha ako pa pinagabyad ng pamasahe niya)

Habang nasa biyahe, hindi siya makali. Kinakabahan siya na di niya mawari, natatakot siya kung saan pupunta ang batang ito, mukang may kaya naman ito dahil sa suot na polo na nakausli ang tatak na bossini at bny na jeans, samahan pa ng nataniel black shoes. Pero ang hindi niya mawari habang napapalapit na siya sa babaan niya ay hindi na makali ang bata sa pagsilip sa labas ng bintana na parang malapit narin itong bumaba.
Aakma na siyang tatyo nang tumayo ang bata at tumakbo malapit sa pinto ng bus na parang hindi ito umaandar, habang siya ay kailangan pang kumapit sa railings ng mga upuan para tumayo.

Bata: Dun po kami ni kuya sa kanto manong!
Conductor: Oh, dahan dahan baka ka madapa, sayang yung mukha mo.
Drake: (Hala tagadito pala to? Pero saan to dito nakatira?)
Conductor: Gwapo ng pamangkin mo sir, americano ba tatay nito?
(tumango nalang si Drake at ngumiti)

Sa pagbaba ni Drake ay parang isang kiti-kiti ung bata na nagtatakbo ang bata palabas na sobra niyang kinabahala, bukod sa kalsada  ito ay maraming sasakyan ang duamaraan.

Drake: Uy, uy, uy bata, baka masagasaan ka!
Bata: Yehey yehey nanditon na ako!
Drake: Sandali nga san ka ba dito hatid na kita sa bahay nyo.
Bata: Malapit na dito kuya!
Drake: ha? Saan?

Tumawid sila habang hawak ng bata ung kamay niya na parang sabik na sabik umuwi, "Kuya bilis", takang taka siya sa nagaganap sino ang batang ito? bakit parang alam na alam niya lugar na to? Taga rito ba siya? bakit parang kilala niya ako kung makahatak sakin? Habang papalapit na si Drake sa bahay niya lalo na siyang nagtataka.

Drake: Kapitbahay ba kita? Kanino kang anak?

Hindi sumasagot ung bata, nang mga 10 hakbang nalang mula sa kinatatayuan nila at sa bahay niya huminto ung bata at bumitaw sa kanya?

Drake: Oh san ka dito? Dito ba? o Dito? (pagtuturo sa dalawang bahay na nasa pagitan nila bago ang bahay nila)
Bata: Dito.(nakaturo sa bahay niya)
Drake: eh bahay ko yan eh? (Nang lumingon ulit siya sa bahy nila ay nakita niya ung bata sa bintana nila at nakatingin sa malayo)

Lumingon ulit siya sa lugar kung saan kanina nakatayo yung bata, wala na ito sa tabi niya. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan niya at nagtayuan lahat ng balahibo niya, hindi siya makaalis sa kinatatayuan niya, feeling niya para siyang mawawalan ng hangin lalo na ngayong natitig sa kanya ang bata na may ngiti sa mukha habang kinakawayan siya upang pumasok sa bahay.

Nanay: Hoy! Drake.
(bigla siya nakahinga sa pagharap niya sa tumapik sa kanya)
Nanay: Bakit para kang nakakita ng multo?
Drake: Nay may bata! (nangangatog ang dila habang nakaturo sa itaas ng bahay nila)
Nanay: Ha? Wala naman ha?

Lumingon ulit siya at wala na nga ung bata. Nagtatakbo siya sa bahay at dalidaling binaba ang gamit na dala at pumanik sa taas, ngayon ay kung anong lakas ang nararamdaman niya upang malaman kung ano nangyayari. Pagpanik niya ng hangdan ay hindi niya napansin ung wire na nakali sa upuan dahilan upang madapa siya tumama ang ulo niya sa bangko na ikinahilo at ikinawala niy ng malay.


Itutuloy.........















Tuesday, October 8, 2013

Panibagong Araw

     Isang panibagong umaga ulit ang dumating sa buhay ko, nanatiling tahimik at walang kibo sa mundo. Gumising sa maingay at masayang pamilya na sana'y minsan mong pinangarap naganuon nalamang sana araw-araw. Dahil kung minsang magising ka ay bangayan nila ang tagagising mo sa umaga. Ano nga ba ang dahilan mo sa pagising sa umaga? Responsibilidad? Pamilya? Sa isang minamahal o para sa iyong nanatiling nakabaong pangarap?, na hanggang ngayon ay hindi mo alam kung kailan mo maitatayo sa lupa.
    Sa isang panibagong araw na darating handa ka bang harapin ang mga balakid sa buhay? Mga pahirap at pagsubok na tatahakin muli ng tumatanda mo nang katawan? O tulad ng dati na hihilata na lamang at maghihintay ng biyaya mula itaas? Hanggang kailan ka maghihintay sa mga bagay na iyong inaasam? Hanggang kailan tatagal ang sikmura mo minsan lang malamnan? Hanggang kailan ka aasa sa panagako ng bukas? Hanggang....... mamatay?
    Sa pagbukas ng iyong mata, ano ang plano mong iniisip? Kung meron man paano mo ito gagawin? Kailan man lamang ba'y naisip mo ang mga tanong na ito? O tila "BAHALA NA'' ang laging binabangit mo? Aba! magisip ka baka sa susunod wala ng panibagong araw na darating sayo.

Ako at Ako!

     May mga bagay na minsan hindi natin maintindihan at maipaliwanag. Isa sa mga ito ay isang ugali ng tao, ugali na minsan hindi mo mismo alam na meron ka, ugali na minsan nakakainis na malaman na meron ka. Ugali na hindi mo alam ang tawag.
     Isang sumpa? o talagang ikaw ang gumagawa? Sino ba ang dapat sisihin sa kakayahan mong itaboy ang mga tao sa paligid mo palayo. Kakayahan na hindi mo alam kung hiningi mo ba o binigay lang sayo, kakayahang gusto mo mawala pero tila nakadikit na sa balat mo habangbuhay. Alam nating mahalaga ang itsura ng tao, pero paano kung pati ito ay wala sayo at ang tanging naniniwala na biniyayaan ka ng kagandahan ay ang iyong sarili na lamang. Binigyan ka ng katawan na kahit anong gawin mo ay tila ayaw makisama sayo, na sa halip gumanda ay lalong nagmumukang aso. Dagdagan pa ng pagkatao mo na hindi sigurado kung lalake ba? o babae? Mayroon ka mang kakayahan ay tila nababaliwala at lahat ng mabuti mong ginagawa ay walang halaga sa paningin ng lahat ng nakakakita.
     Ano nga ba ang dapat  mong gawin? Matutuhan maging mag-isa? O tanggaping wala ka talagang masyadong halaga, na ang tanging misyon mo sa mundo ay magparanas ng kabobohan at kaiinisan ng lahat.
Isang tao na ikukumpara sa maganda, isang taong ihahambing sa magaling, isang taong gagawing halimbawa sa hindi magandang bagay na dumating sa lupa. Sino  pa nga ba ang lalapitan mo? Pamilya? Pamilya na halos kailangan ka lng kapag may naitutulong ka? Sa Diyos? Sa Diyos na hindi mo alam kung naririnig ka ba? O talagang binigyan ka ng dahilan upang matuto ang iba sa iyong mga mali?
    Hindi ka ba pwedeng gumawa ng tama? Tama man ay madalas pang mapansin ang minsan mong pagkakamali? Saan ka tatakbo? Kung sarili mo nga hindi mo na kilala, gumagawa ka ng pader na tila hindi mabuo na kahit pinagtitibay mo ay tila walang nagiging tatag. Pangarap na hindi mo alam kung matutupad, na kahit magsumikap pilit ka pa ring nalalaglag sa kumunoy ng paghihirap. Wala akng alam kundi gumawa ng ilusyon! Ilusyon na ikaw lang ang naniniwalang magaganap, mangyayari, matutupad. Sa kagustuhan mong iangat ang sarili ay gagawa ng salitang pawang kasinungalingan lang. Wala kang mapatunayan, bukod sa nakapagtrabaho ka sa iyong sariling sikap. Pero bakit hindi ka makatagal? May hinahanap? Kakuntentuhan? o walang taong tumatagal kahit na kulang nalang ay halikan mo ang kanilang mga paa.
    Dapat mo nga bang tanggapin na talagang hindi ka magkakaroon ng kaibigan? Lagi mo nalang bang itatabi ang iyong sarili sa sulok ng pader kung saan tinatanaw mo silang nagtatawan, nagkakatuwaan habang ikaw ay tahimik at walang alam. Siguro nga ito ang mundo, kailangan mong tanggapin ang ibabato sayo. Kailangan mong tanggapin na hindi ka magiging masaya ng matagal, na lahat ay madali ring nawawalam kaibigan, minamahal, pera, pangarap, ambisyon, sarili at pagkatao. Pero ano nga ba ang permanente? Ano nga ba ang tunay na magpapasaya sayo? Natanong mo na ba yan sa sarili mo?