Wednesday, October 9, 2013

Royal Fighter Part 1 (Drake)

Sa pagsisimula ng kwentong ito, ilalahad natin ang bida sa kwentong hango sa tunay at imahinasyon ng may akda. Ang blog na ito ay personal na ginawa upang ipahayag ang tunay na nasa isip ng kanyang pagkatao, maipahayag ang nararamdaman at pangarap na gusto nyang maramdaman kahit na ito ay hindi maaring magkatotoo.
    Si Drake isang simpleng binata na walang masyadong hangad sa buhay kung hindi umaunlad at makamtan ang mga bagay na hindi niya lubusang makuha. Lalo na ang pag-ibig, hindi niya kasi sigurado kung ano ang gusto niya. Hindi niya alam kung babae o lalake ang nais niyang makasama sa buhay, pero kahit ganoon ang kanyang estado kontento naman siya sa buhay nila dahil nabibilang siya hindi mayaman o hindi naman mahirap na pamumuhay.

Drake: Isa lang naman ang gusto ko, maging masaya!

Yan ang madalas na sabihin niya sa kanyang sarili. Hindi pa kasi niya naranasang magmahal ng totoo. Puro makamundong pagnanasa lang ang kanyang nararamdaman sa mga taong nakapaligid sa kanya. Undergraduate siya sa isang unibersidad, nasira ang konsentrasyon niya sa pag-aaral dahil sa larong DOTA. Hindi na halos siya nakakapasok kaya marami sa kanyang mga subject ay bumagsak. Matalino at madiskarte si Drake kaya kahit ganoon ang nangyari sa kanya nagkakaroon pa rin siya ng trabaho. Dahil sa liit ng sweldo at pagod sa Industriyang pinagaralan niya nagawa niyang pumasok sa Call Center industry at kasalukayang nagtratrabaho hanggang sa ngayon.

Drake: Thank you for calling Customer Service my name is Drake, How may i help you?

Araw-araw yang ang laging bukang bibig ni Drake "Kakasawa", pero wala naman siya magawa dahil bukod ayaw niyang bumalik sa Hotel Industry ay kailangan niyang magbigay ng P5000 pesos sa nanay niya every cut-off para makatulong sa monthly bill nila. Hindi masyadong palakaibigan si Drake, kaya halos walang masyadong pumapansin sa kanya. Tipikal na formal siyang manamit, Long-sleeve at black or white pants and black shoes, mas mukha nga siyang supervisor sa amo niya. Paborito niyang magsuot ng trench coat na hanggang tuhod kaya talagang kapansin pansin siyang pumorma lalo na't may katangkaran din siya at maayos na hubog ng katawan dahil sa paminsan minsan niyang paggy-gym.

Nathan: Ayos pormahan natin tol ha, para kang detective sa coat mo. (sabay smile na may pangaasar).

Si Nathan isang katrabaho ni Drake na medyo malapit sa schedule ng shift niya. Simula kasi nung maabot niya ang target ng company, nilagay siya sa email base account kaya  medyo petiks sila. 2:00 pm to 11:00 pm si Drake at 5:00 pm nman ang simula ng shift ni Nathan.

Drake: Oh late ka na naman mapapagalitan ka na nyan.
Nathan: Ako papagalitan? malabo yan. Ako yata ang boss!! HAhahaha
Ms.Claire: Boss ka dyan!! Late ka na naman? Ikaw talaga, malapit ka na sakin!

Si Ms.Claire, ang antipakang amo ni Drake, na walang ginawa lagi kundi pataasin ang kilay sa ahente kapag hindi niya gusto. Isa si Drake sa mga ayaw niyang ahente, pero dahil ito lang maasahan niya sa maraming emails and request ay hindi niya magawang alisin ito, bukod pa dito ay talagang kabisado na ni Drake ang pasikot sikot ng kanyang trabaho. Bihira lang kasi ang tumagal sa trabahong yun, at karamihan ay iniiwasan ito.

Nathan: Trapik boss, lakas pa ng ulan.
Ms. Claire: Eh di sana, maaga ka umalis. Dahilan mo??!??!
              Oh, Drake, ilan ang request?
Drake: Wala po para ngayon, pero maraming answerable emails.
Ms.Claire: Gusto ko walang pending yan ha! 0 backlog dapat.
Drake: Yes boss.
(Sabay ngiti, tinaasan naman siya nito ng kilay at tumalikod na papuntang station nito)

12:03 pm na ng umalis sa office si Drake, as usual O.T na naman, pero ayos lang sa kanya dahil friday naman na at RD (rest day) na siya. Bulacan ang inuuwiang bahay ni Drake, dahil may kalayuan at malulugi siya sa pamahe pabalik-balik naisipan niyang mag stay-in sa office at lingguhan nalang umauwi. Habang nasa biyahe may napansin siyang isang bata na sa tingin niya ay nasa 10 o 11 taong gulang na nasa harapan niya at nakatingin sa bintana. Pinagmamasdan niya ito, napansin niyang wala itong kasama. Sa sobrang pagtataka kinalabit niya ung bata.

Drake: Uy bata! Wala ka bang kasama?

Tumingin sa kanya ito at umiling. Sa pagtingin nito sa kanya napansin niyang kulay asul ang mga mata ng bata. Bumalik ulit sa pagkakatingin sa bintana ung bata. Sumandal nalng siya ulit at nagiisip kung gaano katalino ung bata para makabyahe mag-isa. Sa sobrang pagod napapikit siya at pansamantalang nakaidlip.

Condoctor: Sir! Saan po tayo?
Drake: Sa Hangga po.
Condoctor: Kalahati nlng po itong bata.
Drake: Ha? ( sabay tingin sa tabi niya)
Condoctor: Kilala niyo ba to sir?
Drake: Ha? ahh pamangkin ko.
Condoctor; e2 sir (sabay abot sa dalawang ticket)
(pagalis ng conductor ay inangat nya ung bata na nakahiga sa hita niya na akala niya ay bag niya kanina na ngayon ay yakap nung bata)
 Drake: Sino bato? Kung hindi lang ako pagkakamalang kidnapper itatanggi ko tong batang to.
           Bata? Bata? (Nagising ung bata na pupungas pungas pa)
Bata: Dito na po ba tayo?
Drake: Ha? San kaba nakatira? Saka bakit ka nakahiga sakin? Ba't nasayo yung bag ko?
Bata: Dami nyo naman pong tanong. Isa -isa lang po kuya.
Drake: (Aba! May attitude pa, nasabi nito sa sarili habang pinagmamasdan ang pagiinat ng bata) Uy magnanakaw ka no? Akin na nga yang bag ko! (sabay kuha sa bag niya, na inabot naman ng bata)
Bata: Hndi naman po, dinatayan ko lang po. Wala po akong kinuha.
(tinignan ni drake ang wallet niya at nandun naman ito walang nabawas)
Drake: Bakit kaba nag-iisa san kaba pupunta?
Bata: Sa amin. Naiwan kasi ako ng boss ko.
Drake: Boss? (Pinagtratrabaho naba tong batang to? O yun lang tawag niya sa magulang niya?)
           Sinong boss, tatay mo? Nanay mo?
Bata: Hindi! basta.
(hindi nalang siya kumibo at inisip na"naisahan ako ng batang to ha ako pa pinagabyad ng pamasahe niya)

Habang nasa biyahe, hindi siya makali. Kinakabahan siya na di niya mawari, natatakot siya kung saan pupunta ang batang ito, mukang may kaya naman ito dahil sa suot na polo na nakausli ang tatak na bossini at bny na jeans, samahan pa ng nataniel black shoes. Pero ang hindi niya mawari habang napapalapit na siya sa babaan niya ay hindi na makali ang bata sa pagsilip sa labas ng bintana na parang malapit narin itong bumaba.
Aakma na siyang tatyo nang tumayo ang bata at tumakbo malapit sa pinto ng bus na parang hindi ito umaandar, habang siya ay kailangan pang kumapit sa railings ng mga upuan para tumayo.

Bata: Dun po kami ni kuya sa kanto manong!
Conductor: Oh, dahan dahan baka ka madapa, sayang yung mukha mo.
Drake: (Hala tagadito pala to? Pero saan to dito nakatira?)
Conductor: Gwapo ng pamangkin mo sir, americano ba tatay nito?
(tumango nalang si Drake at ngumiti)

Sa pagbaba ni Drake ay parang isang kiti-kiti ung bata na nagtatakbo ang bata palabas na sobra niyang kinabahala, bukod sa kalsada  ito ay maraming sasakyan ang duamaraan.

Drake: Uy, uy, uy bata, baka masagasaan ka!
Bata: Yehey yehey nanditon na ako!
Drake: Sandali nga san ka ba dito hatid na kita sa bahay nyo.
Bata: Malapit na dito kuya!
Drake: ha? Saan?

Tumawid sila habang hawak ng bata ung kamay niya na parang sabik na sabik umuwi, "Kuya bilis", takang taka siya sa nagaganap sino ang batang ito? bakit parang alam na alam niya lugar na to? Taga rito ba siya? bakit parang kilala niya ako kung makahatak sakin? Habang papalapit na si Drake sa bahay niya lalo na siyang nagtataka.

Drake: Kapitbahay ba kita? Kanino kang anak?

Hindi sumasagot ung bata, nang mga 10 hakbang nalang mula sa kinatatayuan nila at sa bahay niya huminto ung bata at bumitaw sa kanya?

Drake: Oh san ka dito? Dito ba? o Dito? (pagtuturo sa dalawang bahay na nasa pagitan nila bago ang bahay nila)
Bata: Dito.(nakaturo sa bahay niya)
Drake: eh bahay ko yan eh? (Nang lumingon ulit siya sa bahy nila ay nakita niya ung bata sa bintana nila at nakatingin sa malayo)

Lumingon ulit siya sa lugar kung saan kanina nakatayo yung bata, wala na ito sa tabi niya. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan niya at nagtayuan lahat ng balahibo niya, hindi siya makaalis sa kinatatayuan niya, feeling niya para siyang mawawalan ng hangin lalo na ngayong natitig sa kanya ang bata na may ngiti sa mukha habang kinakawayan siya upang pumasok sa bahay.

Nanay: Hoy! Drake.
(bigla siya nakahinga sa pagharap niya sa tumapik sa kanya)
Nanay: Bakit para kang nakakita ng multo?
Drake: Nay may bata! (nangangatog ang dila habang nakaturo sa itaas ng bahay nila)
Nanay: Ha? Wala naman ha?

Lumingon ulit siya at wala na nga ung bata. Nagtatakbo siya sa bahay at dalidaling binaba ang gamit na dala at pumanik sa taas, ngayon ay kung anong lakas ang nararamdaman niya upang malaman kung ano nangyayari. Pagpanik niya ng hangdan ay hindi niya napansin ung wire na nakali sa upuan dahilan upang madapa siya tumama ang ulo niya sa bangko na ikinahilo at ikinawala niy ng malay.


Itutuloy.........















No comments:

Post a Comment