Isang sumpa? o talagang ikaw ang gumagawa? Sino ba ang dapat sisihin sa kakayahan mong itaboy ang mga tao sa paligid mo palayo. Kakayahan na hindi mo alam kung hiningi mo ba o binigay lang sayo, kakayahang gusto mo mawala pero tila nakadikit na sa balat mo habangbuhay. Alam nating mahalaga ang itsura ng tao, pero paano kung pati ito ay wala sayo at ang tanging naniniwala na biniyayaan ka ng kagandahan ay ang iyong sarili na lamang. Binigyan ka ng katawan na kahit anong gawin mo ay tila ayaw makisama sayo, na sa halip gumanda ay lalong nagmumukang aso. Dagdagan pa ng pagkatao mo na hindi sigurado kung lalake ba? o babae? Mayroon ka mang kakayahan ay tila nababaliwala at lahat ng mabuti mong ginagawa ay walang halaga sa paningin ng lahat ng nakakakita.
Ano nga ba ang dapat mong gawin? Matutuhan maging mag-isa? O tanggaping wala ka talagang masyadong halaga, na ang tanging misyon mo sa mundo ay magparanas ng kabobohan at kaiinisan ng lahat.
Isang tao na ikukumpara sa maganda, isang taong ihahambing sa magaling, isang taong gagawing halimbawa sa hindi magandang bagay na dumating sa lupa. Sino pa nga ba ang lalapitan mo? Pamilya? Pamilya na halos kailangan ka lng kapag may naitutulong ka? Sa Diyos? Sa Diyos na hindi mo alam kung naririnig ka ba? O talagang binigyan ka ng dahilan upang matuto ang iba sa iyong mga mali?
Hindi ka ba pwedeng gumawa ng tama? Tama man ay madalas pang mapansin ang minsan mong pagkakamali? Saan ka tatakbo? Kung sarili mo nga hindi mo na kilala, gumagawa ka ng pader na tila hindi mabuo na kahit pinagtitibay mo ay tila walang nagiging tatag. Pangarap na hindi mo alam kung matutupad, na kahit magsumikap pilit ka pa ring nalalaglag sa kumunoy ng paghihirap. Wala akng alam kundi gumawa ng ilusyon! Ilusyon na ikaw lang ang naniniwalang magaganap, mangyayari, matutupad. Sa kagustuhan mong iangat ang sarili ay gagawa ng salitang pawang kasinungalingan lang. Wala kang mapatunayan, bukod sa nakapagtrabaho ka sa iyong sariling sikap. Pero bakit hindi ka makatagal? May hinahanap? Kakuntentuhan? o walang taong tumatagal kahit na kulang nalang ay halikan mo ang kanilang mga paa.
Dapat mo nga bang tanggapin na talagang hindi ka magkakaroon ng kaibigan? Lagi mo nalang bang itatabi ang iyong sarili sa sulok ng pader kung saan tinatanaw mo silang nagtatawan, nagkakatuwaan habang ikaw ay tahimik at walang alam. Siguro nga ito ang mundo, kailangan mong tanggapin ang ibabato sayo. Kailangan mong tanggapin na hindi ka magiging masaya ng matagal, na lahat ay madali ring nawawalam kaibigan, minamahal, pera, pangarap, ambisyon, sarili at pagkatao. Pero ano nga ba ang permanente? Ano nga ba ang tunay na magpapasaya sayo? Natanong mo na ba yan sa sarili mo?
No comments:
Post a Comment