Kinaumagahan naghanda na siya para pumasok sa trabaho, excited siya sa mga magiging reaksyon ng lahat sa kanya, paglabas niya kwarto nagulat ang kanyang kapatid at ina sa itsura niya para silang nakakita ng bagong tao sa bahay.
Nanay: Cnu ka? Bkit ka nasa kwarto ng anak ko?
Drake: Nay naman ako to! Si Drake.
Nanay: Niloloko mo ba ako, pano hahaba ng ganyan ang buhok ng anak ko, saka hindi ganyan kakinis ang anak ko.
Drake: Nay ako to, may nangyari lng sakin kahapon. May experiment kasing ginagawa sa katabing building namin nagvolunteer akong magtry kaya ayan ito pala epekto. Gwapo ko noh? (Pagdadahilan niya)
Nanay: Eh kung ikaw nga anak ko? Kailan birthday mo?
Drake: May 13, 1990, pinanganak ako sa bulacan. Kapatid ko si ac pinanganak noong Feb 15, 1992
Corazon Roque panagalan niyo, tatay ko si Alfredo J. Robles.
Nanay: Anong regalo mo sakin nung birthday ko?
Drake: Binigyan kita ng bulaklak at alak na wine, kala ko 800 pero 1600 pala nung nasa counter na ako.
AC: cge nga saan tayo pupunta sa Sabado?
Drake: Sa office dadalin kita dun. (Sabay bulong sa kanya "Sa boyfriend mo")
AC: Ngee!! Ikaw nga!!
Nanay: Pano nangyari yan?
Drake: Gwapo ko nay noh?
AC: Totoo ba yan? (Sabay sabunot sa buhok niya)
Drake: Aray! Totoo yan... sira ka talaga.
Nanay: Gwapo naman ng anak ko.
Drake: pupunta nga ako dun sa laboratory para makita nila.
Nanay: Aba anak pwede ba ako dyan?
Drake: D pwede nay eh, kung pwede lang kaya lang mahal , milyon naswerte lang kaya napili ako.
AC: Kuya Drake ako rin!!! (Pagpupulmilit nito)
Drake: hahahahahah!!!!
Sa paglabas niya ng bahay ay parang nakita ng artista ang kapitbahay nila, hindi magkandaugaga ang mga tao sa pagtitig sa kanya.
Kapitbahay 1: Sino siya Ka Coring?\
Nanay: Anak ko! Yan talaga itsura naakabalat lang. Tinatago niya ung ginagawa ng companya niya sa kanya
ngayon lng niya nilabas, mainit na raw.
Kapitbahay 2: Hmmmp? Yata?
Drake: Ako nga to, gusto niyo patunayan ko?
Binuksan nito ang videoke nila at nagsimulang kumanta, sa simula palang parang nagsabog ng pera sa harap ng bahy nila sa dami ng taong nakikinig sa kanya.
Kapitbahay 3: Puta si Drake nga!
Kapitbahay 2: Ibig sabihin nagpapaayos ka ng katawan noon pa man?
Drake: Oo, hahahha, Cge pasok na ako malalte pa ako.
Hanggang sa paglabas niya ay parang may mga asong sumusunod sa kanya, tinatanong siya kung ano nangyari sa kanya, magkano pagawa sa katawan niya, pano niya naitago? Gumawa nalang siya ng maraming kwento para masagot lang sila. Pagsakay niya sa Bus ay parang matutunaw siya sa tingin ng mga tao sa kanya. Pinilit niyang maupo sa likod, ngunit hanggang maupo siya ay nakatanaw sa kanya ang mga tao, dahil hindi makapagpigil ung iba pasimple ang ibang kababaihan at kalalakihan na lumilipat ng upuan hanggang mapansin niyang halos lahat ay nakaupo na sa likod pwera sa dulo kung saan siya nakaupo. Parang hindi lang talaga magawa ng iba na maupo sa tabi niya sa hiya. hanggang may sumakay na lalake, gwapo ito at maputi, may katangkaran at mukang may pinagaralan. Napatitig ito sa kanya habang naghahanap ng upuan.
Mauupo na sana ito sa bandang unahan, ng mapatitig din si Drake sa kanya, napahinto ito sa porma ng pagkakaupo at tumayo ulit, pumunta ito sa likod at naupo sa tabi niya.
Nakatingin ito sa kanya ng nilingon niya ito, nagawa namang bawiin ng lalake ang tingin niya rito pero halatangnangingiti ito. Wala namang reaksyon sa mukha ni Drake at tumingin nalang ulit sa bintana.
Clyde: Hi sir, pwedeng magtanong?
Drake: Ha? Ok lng, ano un?
Clyde: Model po ba kayo o artista?
Drake: (Biglang natawa) hahaahahah, napatawa mo naman ako, panu mo naman nasabi yun?
Clyde: Para kasing hindi bagay sa inyo magbus.
Drake: Ha? bakit naman.
Clyde: Mukha po kasi kayong mayaman.
Drake: Hindi mahirap lang ako, model? Pangarap ko yan.
Clyde: Ayos!, Pwede bang mahingi number niyo? (Sabay dukot sa cellphone nito na iPhone5)
Drake: Ikaw nga mayaman eh, naka iPhone kapa kuya.
Clyde: Clyde nalang, ano pangalan niyo po?
Drake: Maka-PO ha? 23 lng ako ikaw ba?
Clyde: ay bata ka pa pala 28 na ako.
Drake: Bata pa naman un ha? Saka bakit mo nasabing ayos?
Clyde: Model Photographer ako sa Ortigas, pwede ka ba ngayon?
Drake: Ngayon? Hmmm di pwede eh may pasok ako.
Clyde: ok lang, kailan kaba pwede?
Drake: Saturday afternoon.
Clyde: Cge set ko yan, sarado kasi ang shop pag sabado, pero dahil bago ka schedule kita sa sat. ano nga pala number mo?
Drake: 0927.......(sasabihin na sana niya ng mapansin niyang may nakalabas na phone lahat ng tao sa paligid niya) akin na nga tatype ko hindi ko kasi kabisado eh (sabay kuha sa phone niya)
Hanggang makarating siya ng MRT hindi humihiwalay si Clyde sa kanya, kahit parang naiilang si Drake natutuwa siya sa nangyayari, feeling niya may boyfriend siya na nakaakbay sa kanya. Ngiting -ngiti si Clyde sa kanyang pagamamsid dito, dahil siguro napapnsin nitong nakatingin sa kanilang lahat ng taongdadaanan nila. May pasimple, may halos madapa, may nauntog sa kasalubong, may hindi kumikilos, may sumasabay, may kumikindat kapag tumanaw siya at may mga nakanganga na talaga.
Clyde: sarap mo palang kasabay.
Drake: Oh bakit naman?
Clyde: Feeling ko ang gwapo gwapo ko, kahit pagkamalan nila akong bakla ok lng whahhahah.
Drake: Kinilig naman siya ng kaunti sa narinig. (Gago to ha? Feeling close?)
Pagsakay nila sa MRT, Siksikan as usual, mula sa pagbili ng ticket, pagpasok sa station hanggang makasakay ay talagang hindi bumibitaw itong si Clyde sa balikat niya.Gusto na niya sanang magreklamong mabigat pero nahihiya rin siya. Sa isip niya mas ok na rin un para hindi siya mailang sa mga nakatitig sa kanya, "Gwapo din naman tong mokong nato, hayaan ko na nga".
Halos mahalikan na niya si Clyde sa pagkakadikit nito sa kanya, pinipilit kasi nito na pigilan ung mga gumigitgit sa kanila.Parang isang security guard ito sa pagprotekta sa kanya, na labis niyang ikinailang pero ikinatutuwa rin, wla pa sa kanyang nagpahalaga ng ganito, "Sarap ng feeling", para siyang kinukuryente sa tuwing madidikit ang dibdib ni Clyde sa kanya, lalo pa siyang nailang ng ngumiti ito sa kanya. Feeling niya namumula siya.
Clyde: Oh, nahihirapan kaba? Namumula ka na?
Drake: Ha? Oo sikip eh.
Clyde: Oo nga eh, hirap kumilos pero ok lng, sayang kasi kung masusugatan o magasgasan ka.(sabay smile)
(Lumitaw tuloy lao ung dimples nito)
Drake: Ganun, gago ka talaga feeling mo sakin jchalk sa lambot? Para magasgasan?
Clyde: hahahha, medyo.
"Ortigas Station!!! Ortigas Station!!!!"
Drake: Hay sa wakas.
Clyde: excuse po!! (Parang isang guard na nagtataboy para makaraan ang artista)
Drake: (Sabay palo sa balikat nito) Para kang tanga! (napapasin niyang nakangiti lang naman ung mga tao sa kanya walang naiinis, walang nakasimangot sumusunod lang ito sa pagtabi, feeling niya tuloy para siyang hari)
Clyde: hatid na kita!
Drake: Ha, ok lng tol baka malate ka sa appointment mo.
Clyde: Ok lang, may magandang bagay naman akong idadahilan eh. (Sabay dukot sa bag)
Wait lang ha? (Nilabas nito ang DSLR niya sa bag)
Drake: Oh? Ano yan?
Clyde: Konting pause naman?
Drake: Dito? Kakahiya ano kaba?
Clyde: Ok lang yan wala namang masama, sa tingin ko nga kahit sa basurahan ka kuhanan ng picture mabebenta ko.
Drake: Gago ka, nambola ka pa.
Clyde: Expression mo na ba ung gago? Kanina pa yan ha? (sabay kunot sa noo, naparang nagpapacute)
Drake: ay sorry brad, nagugulat lng kasi ako sa pinaggagawa mo.
Clyde: Cge na. kahit Tumayo ka nalng tapos tingin ka sakin.
Sumunod nalang siya para matapos na.
Drake: Oh cge dito nalang ako. Text mo nalang ako kapag ok na ha?
Clyde: Oo naman, gusto mo ngayon text na kita.
Drake: HAhahah, loko ka talaga. Cge pasok na ako baka malate pa ako. nice to meet you.
Clyde: Nice meeting you too, marami pa tayong pagsasamahan for sure!
Sa pagpasok sa opisina, kapansin- pansin na nakatitig lahat ng tao sa kanya. Tumingin nalang siya ng deretcho at naglakad ng deretcho dahilan upang magmukha siyang maangas at matikas. Lalong dumami ang nakatitig sa kanya habang naghihintay siya ng elevator. Pagbukas ng elevator parang nakakita ng artista ang mga lumalabas, pamilyar ang mga mukha nito sa kanya, mga taong hindi siya pinapansin noon at pinaguusapan siya kapag nakatalikod siya. Tinignan lang niya ito ng walang ngiti at tumingin ulit sa elevator. Nakatayo lang ang mga ito habang nakatitig sa kanya, parang kinikilala siya habang sumasara ang elevator.
Kapansin-pansin din ang pagtingin sa kanya ng mga nakasakay sa elevator, hindi nalang niya ito pinansin bagkus lalo niyang inanagat ang kanyang dibdib na lalong pinagmukha niyang matchong-matcho. Pagalabas niya ng elevator agad niyang binati ang lady guard na nakatitig sa kanya.
Drake: Hi, ate.
Lady Guard: Hi , sir?
Drake: Hindi mo ako nakilala noh?
Lady Guard: Para ngang pamilyar kayo?
Drake: Ako to ung laging kumakausap sayo? Tinanggal ko lang ung syntetic na balat ko para makita nila kung sino talaga ako at anong totoong itsura ko.
(Pinakita nito ung ID niya)
Lady Guard: Ikaw nga sir, GWAPO NYO!!! (Patiling sambit ng babae)
Drake: Ay, kailangang tumili? (Pabaklang sambit) Sabay barge at pasok sa floor)
Sa Floor , nakaharap sa computer si Ms.Claire.
Ms. Claire: Buzzer beater ha?
Drake: Oo nga po eh, muntik na malate.
(naupo ito dahilan upang hindi siya makita ng amo pagtingin nito sa kanya)
Ms. Claire: marami na namang email, kailangan 0 back-log ha?
Drake: Yes, mam.
(Lumapit ito sa station para iabot ung mga request paper)
Ms. Claire: Oops, pogi cnu ka? Bkit ka nandito sa station ng agent ko? Nasaan na ung Drake n un?
(Habang lilinga-linga ito)
Drake: Ms. Claire ako po ito! Si Drake.
(Nakatitig lang sa kanya ito, hindi makapaniwala sa nakikita)
Ms. Claire: Drake??? Ikaw ba yan?
Drake: Yes mam, ito po talaga ang itsura ko.
Ms.Claire: Ha? Niloloko mo ba ako ato?
Drake: Hayy naku mam, kung ayaw mo maniwal di wag. Pero ako to. (Nagpaliwanag siya ng mga ginagawa niya) Oh, ano mam?
Ms.Claire: Ikaw nga?
(Sabay kuha sa mga papers ni Drake, habang nakasimangot pakiramdam niya naisahan niya ang boss niya)
Gayun din ang nangyari sa mga katarabo niya hindi siya nakilala ng mga ito, pero habang nagbibigay siya ng mga patunay at kwento naniwala rin sila at labis na gulat ang makikita sa kanilang mga mukha. Halos puro papuri at paghanga ang naririnig sa mga ito na labis niyang kinatuwa, wala na siyang paglagyan ng kanyang katuwaan ngunit sa kabila nito nanatili siyang mababa at natural sa sarili niya na tila walang nagbago. Masungit pa rin siya minsan, madaldal kung minsan, hndi nagbago ang ugali niya approachable parin siya kahit minsan mukha siyang suplado. Habang lumilipas ang araw lalo na niyang nakakasanayan ang ganung tingin sa kanya ng lahat.
Lumipas ang buong weekdays ng walang hindi nakakapansin sa kanya, tila mababali na ang ulo niya sa pagyuko at pagbati sa lahat, masakit na rin ang kamay niya kakaway sa kakilala o pag appear sa kanila. Sa kanyang pag-uwi maraming nais sumabay sa kanya, isang linggo lng ang nagdaan pero parang naging kaibigan niya ng lahat ng tao sa buong building na pinagtratrabahuhan niya.
Friday evening, pauwi na siya halos 11:30 pm narin siya natapos sa papaer works and email request niya, kaya halos gusto na niyang matulog. Lalabas nalang ng building ay marami paring bumabati sa kanya at nagpapahaging ng paghanga sa kanya. May tuksuhan, nagpapakamusta, nanghihingi ng number o nakikipagkilala. Nagulat nalang siya ng may kumalabit sa kanya.
Drake: Clyde? Ano ginagawa mo rito?
Clyde: Out kana ba? Tara sabay na tayo?
Drake: Ha? Hinintay mo ako lumabas? (binigyan ng wirdong tingin)
Clyde: Ha? hindi ah nadaan lang ako tol eh nakita kita kaya nilapitan kita. Hindi pa ba? Cge una na ako.
Drake: Nope. Actually out na ako may kinausap lang cge sabay na tyo. Cge guys uwi na ako (sabay kaway sa mga nakipagkilala)
"Ingat Drake! ....Ingat kuya!..... Bye Kuya!....''
Clyde: Sikat ka pala rito?
Drake: Hindi naman ngayon lang.
Clyde: Panung ngayon lang?
Drake: Ngayon lang kasi ako natutong mag ayos ng sarili kaya ngayon lang. Medyo nerd kasia ko dati. Typical na nakasalamin nakaclose neck na polo at pants. (Paglalarawan ng isang nerd na tao)
Clyde: Talaga,buti nalang palanakapag-ayos kana bro, nung nakita kita.
Drake: Bakit? Kasi hindi mo rin ako mapapansin? (Sabay simangot)
Clyde: hindi naman. Pero ganun talaga kailangan makita muna bago maniwala.
(medyo nalungkot siya "Panu kaya kung bumalik ung dati kong itsura kausapin pa kaya ako nito?")
Clyde: wag mo na nga pansinin ung sinabi ko, heheheh mahalaga close na tyo. Sa sabado ha?
Drake: Bakit ano meron sa sat?
Clyde: Oh? nakalimutan mo na? Diba model na kita sa Sat?
Drake: Pumayag ba ako? (kunwari nag-iisip)
Clyde: Hala!, di pwede yan naschedule na kita. Alam mo ba sabi ng amo ko nung pinakita ko ung picture mo. Na kapag naisam kita sa office bibigyan nya ako ng malaking bunos.
Drake: Ah. ganun......!!! (pang-aasar) Pwes hindi ako sasama humhumhum!!
Clyde: Eh, Hindi pwede, anak naman ng tokwa eh. Please sama kana....!!! (Pinagdikit ung mga kamay na parang nagdadasal)
Drake: Ayoko nga! (Feeling babae)
Clyde: Hirap mo naman ligawan, ung iba nga magpacute lng ako nakaoo na.
Drake: Gago ka talaga feeling mo sakin babae?
Clyde: hindi naman, pero sige na pls.. pls...plsssssssss.....
Ngumiti nalang ito sabay takbo patawid sa kalsada, hinabol naman siya nito na parang mga batang naghaharutan. Suntok sa balikat, hatak dun hatak dito parang walang sasakyang dumadaan, sa bus hanggang sa fx na sinakyan nila. Nang nasa kabayanan na sila, nagpaalam na siya, ganun din naman ang ginawa ni Drake, suminyas pa ito ng nagsasabing tatawag siya.
Pagdating niya sa bahay kumatok nalang siya sa pinto, pinagbuksan naman siya ng kanyang ina na ng oras na yun ay nagising sa kanyang katok. Pinagpahinga na niya ulit ung nanay nya pagkatapos niya magmano. Hinubad ang suot na polo at sapatos, naghugas ng kamay at kumuha ng makakain. Habang kumakain siya may napansin siyang isang pares na sapatos na pamilyar sa kanya , pansamantalang nag-isip ng hindi makuntento nilapitan niya at kinuha.
Drake: Kay Adonis to ha? Hindi ako pwedeng magakamali sa kanya to. Adonis? Adonis? (tawag niyang mahina sa hangin)
Nang walang lumitaw bumalik siya sa pagkain at nagpahinga na rin. Tinabi niya sa pagtulog ang sapatos na nakita. Nagising siya tunog ng cellphone niya. Rinnnnnnnggggggggggggggggggggggggggggg!!!!!!!!, hindi kasi siya mahilig sa may kantang ringtone kaya old ring tone lang nilalagay niya.
Drake: Hello?
Clyde: Drake! Si Clyde to. Ano pupunta kaba? Please pumunta ka, gusto mo sunduin pa kita.
Drake: Magpapaalam muna ako sa Mama ko. Baka hindi ako payagan eh.
Clyde: San kaba nakatira sa Paombong?
Drake: sa hangga, bakit? (biglang naputol ang linya), Hmp, weird?
Makalipas ang 30 minutes, nagring ulit ang phone?
Drake: Hello?
Clyde: Nandito ako sa kanto ng hangga, puntahan mo naman ako?
Drake: Ha? Sandali lang (kasalukuyang nasa banyo, naliligo) W8 ha? d mo naman sinabi na pupunta ka, naliligo ako eh.
Clyde: Ganun ba? ahhahahah cge bilisan mo magbihis.
Drake: Demanding? Sandali lng boss ha.
Hindi malaman ni Drake kung bilis ang gagawin niyang pagbibihis, sa sobrang pagmamadali nakaboxer short lang sya lumabas, dahilan para manlaki ang mga mata ng lahat ng taong makakita sa kanya. Sobrang puti ata kinis ng balat niya lalo na't tinatamaan ng sikat ng araw ang balat niya. Dahil sa pagkagulat at taranta hindi na pinansin pa ni Drake ito, ang tanging nasa isip niya ay si Clyde. Hindi niya alam kung bakit pero parang siya pa ang nahihiya dito na paghintayin siya.
Denial niya ung number na nasa call register niya, nagring ng dalawang beses.
Clyde: hello?
Drake: nandito na ako, nasan kana tol?
Clyde: Umalis na ako tol tagal mo eh, next time nlang. Parang hindi ka naman interesado eh.
Drake: Hay, naku nataranta pa naman ako pagtakbo dito, wala kana pala. (Nakakunot ang noo)
(May humawak sa likod niya)
Clyde: talaga?
Drake: Anak ka ng tokwa oh! (akmang babatukan) (ilag naman ci Clyde)
Clyde: Oh, oh oh, nageffort na nga akong sunduin ka mananakit kapa? (sabay smile)
Drake: Naku Clyde wag mo nga ako daanin dyan sa pacute mo? Sinu naman nagsabing sasama ako sayo?
Clyde:Eh, pagapapaalam kita sa mama mo eh?
Drake: Ha? (magsasalita pa sana siya tianakpan ni Clyde bibig niya, agad namn niya tinggal) ano ako dalagang ilalabas sa date, at kailangang ipagpaalam.
Clyde: Whahaha, alam mo bang nakaboxer ka lang?
Drake: (Napahinto) (Sabay tingin sa suot na pang-ibaba) Oo nga pala, ikaw kasi eh.
Clyde: Ok lng yan, nakaunderware ka nmn eh saka lalake k naman at may ipagmamalaki (sabay nguso sa nakabukol sa boxer ni Drake)
Drake: Gago!Tara na nga sa bahay! (sabay hatak)
Habang nasa bahay si Clyde na ang nagpakilala sa sarili, maigi naman diyang inasikaso ng ina ni Drake, pumayag din itong sumama si Drake sa kanya. Wala na siyang nagawa pa kundi sumama sa lalakeng kagabi pa nangungulit. Nagbihis na ito, pero bago niya suutin ang damit niya tinanong niya kung anong isusuot niya sa opisina nila.
Clyde: Kahit ano? Ako na bahala sayo sa office maraming damit dun.
Drake: cge cge. Ano sasakyan natin papunta?
Clyde: Kotse ko.
Drake: Ha? may kotse ka? San mo pinarada?
Clyde: sa labas wala naman sigurong gagalaw nun dun?
Drake: sana sinabi mo ng naiparada mo dun isang bahay namin. Sandali nalang magsasapatos nalng ako.
Paglabas nila angat na angat ang kagwapuhan niya kay Clyde, lalo na suot nitong polong itim at jeans na itim.Kitang- kita pagiging maputi niya at kinis ng kanyang balat. Habang nasa kotse sila, napapansin niyang panay ang tingin ni Clyde sa kanya.
Drake: alam mababangga tayo niyang gingawamo.
Clyde: Sensya na excited lang akong makita ng amo ko, tiyak matutuwa sayo yun.
Drake: Nga pala anong product ba ang iniendorse nyo?
Clyde: Magazine. Men's Health
Drake: Talaga?
Clyde: Yup, panigurado tataas sale namin for this month.
Drake: Lakas ng faith mo sakin ha? Bakit ako? Bakit hindi artista?
Clyde: Sawa ang mga tao sa mga artista, minsan mas ok pa ung hindi sikat pero hanepa ng itsura mas mataas pa ang sale minsan.
Drake: Ganun? Cnu nmn kaya bibili ng mukha ko? (Nakalimutan na gwapo na siya)
Clyde: Anu ka ba? May salamin ba sa inyo? Humarap ka nga at sabihin mong panget ka. Sigurado pati salamin tututol.
Drake: Sobra ka namang makapuri.
Dahil hindi pa nakakrecover sa puyat sa trabaho nakatulog na sa byahe si Drake, maya-maya pa'y ginising siya ni Clyde at lumabas sa kotse.Pagdating sa lugar nagulat si Drake dahil nasa isang resort sila naroroon. Hindi muna siya lumabas ng kotse, nasa isip parin niya ang dati niyang itsura, makikita agad na maraming photographer at modelo na nagaayos. Naggwagwapuhan at naggagandahan ang lahat wala ka talagang itatapon, seksi, matcho, mestizo, moreno morena lahat walang panget para siyang nasa ibang mundo na bawal ang hindi maganda sa mata. Nakita niya si Clyde na may kausap na matanda na nakasuot ng polong bulaklakin "Ito siguro amo nitong mokong nato". Maya-maya pa'y pinuntahan siya ni Clyde.
Clyde: Baba kana! Tara!
Drake: Cgurado kaba rito parang paningit lang ako rito.
Clyde: Ha? Hello to Drake, marunong kabang tumingin ng maganda? Pre maitatapon mo sila sa Planet Neptune sa itsura mo. Tiwala lang.
(Naisip ni Drake na iba na nga pala ang itsura niya. Huminga muna siya ng malalim saka lumabas ng kotse)
Huminto ang lahat ng tao sa kanilang ginagawa, parang tumigil ang oras sa pagbaba ni Drake sa kotse, Walang gumagalaw lahat nakatingin sa kanya, lahat binabantayan kung anong gagawin niya. Feeling ng mga modelo ay nagmukha silang back-up para sa isang artista.
Clyde: Sir, siya po ung sinasabi ko?
Amo: Ano pa ginagawa mo dalin mo na yan sa dressing room at ng mapicturan na, bilis!!!
(Tarantang pag-uutos, na nakatitig pa rin kay Drake)
Itutuloyy...................
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment