Wednesday, October 9, 2013

Royal Fighter 2 (Rebelasyon)

Masakit ang ulo ni Drake ng siya ay magising, bukod pa ang sugat niya na natamo sa pagkakatama ng ulo niya.

Nanay: Sino ba kasi ung sinasabi mong bata?

Nagkwento si Drake, kinuklusyon nalang ng kanyang ina na ito aya kanilang poon at ginabayan lng sya pauwi. Nagtungo siya sa kwarto at nagbihis, masakit parin ang ulo niya ng maupo siya sa isang bangko. Tinatanaw niya ngayon ang sugat sa ulo mula sa salamin na nakaharap sa kanya mula sa aparador.

Drake: Hayy, anu ba yan panget na nga nagkasugat pa!
(Nang may tinig na sumagot)
Tinig: Hindi ka panget! (Tunog ng maliit na tao)
Drake: haahah, ikaw talaga kenneth, (pamangkin ni Drake na babae)
(nilingon nya ang kusina, walang tao)
Drake: Baka lumabas na. Sakit!! (sabay Hawak sa ulo)

Maagang naghapunan si Drake, habang pinaguusapan ng buong pamilya ang nangyarin sa kanya. Naalimpungatan siya ng bandang 3:00 ng madaling araw sa init na nagmumula sa bintilador.Hindi nya maintindihan kung bakit mainit ang singaw nito. Sa pagaalala na baka maoverheat at pagmulan ng sunog binunot nya na ito sa saksakan na tuluyan nitong paghinto.

Pssst,.....
Psssst...
Psssst.......

Isang pagkuha ng atensyon na ikinabahala ni Drake, hinanap nya ang pinagmulan nito dahil sa madilim ang kusina wala sya masyado matanaw dahil sa nagaadjust pa ang kanyang mata.

Drake: Nay? Ace? (bunsong kaaptid na babae)
(walang sumasagot)

Napagdisisyonan niyang tunguhin ang saksakan upang magbukas ang ilaw ng kusina. Padating niya sa sala nagulat siya ng may nakatalukbong na bata (masasabing bata dahil sa hugis nito sa puting kumot na nakabalot)

Drake: cedrick? (isa pang pamangkin na lalake)
           Gabi na matulog ka na ha!

Sa pagaakalang ang pamangkin ang nakahiga ay hindi na niya ito pinansin at binuksan ang ilaw para sa kusina, bumalik siya sa lababo at kumuha ng baso nilagyan ng tubig at ininom ito. habang umiinom may nakikita siyang imahe sa likod ng baso na bata na nakatayo sa harap niya. Tumalikod siya upang ibaba ang baso, "Diba sabi ko matulog kana" sa kanyang pagharap hindi niya alam kung sisigaw  siya o tatalon sa takot. Ung bata na nakaharap sa kanya ay yung bata na kasama niya sa bus at nakangiti ito ngayon sa harap niya at tila natutuwa ito sa reaksyon niya.

Bata: Wag ka matakot kuya. gusto ko lang magpasalamat sa paguwi mo sakin dito, nga palamay balita ako sayo matatapos na ung paghihintay mo sa hinihiling mo. Cge kuya tulog kana marami ka pang gagawin bukas.

Sa mismong harapan niya naging isang paru-paro ang batang nasa harap niya. Na tuluyang niyan ikinawala ng malay. Nagising siyang may bimpo sa ulo.

Drake: ano to?
Nanay: anu b nangyayari sayo anak kagabi? Tawag ka ng tawag nang kung sino sino tapos, bigla na lng may kumalabog?
Drake: Nakita ko na naman ung bata kagabi, masisisra na ulo ko sa kanya.
Nanay: Magdadasal ka kasi anak, di ka kasi nagsisimba kay kung ano ano nakikita mo.
Drake: hayy, sa tingin ko nga po. Simba ako mamaya.

Naligo siya,  at nagbihis na patungo sa simbahan. Habang nakasakay sa jeep iniisip pa rin niya ung sinabi nung bata tungkol sa hinihiling niya, "Anung hiling?" habang tumatayo ang balahibo niya. Sa simbahan sinumulan na niyang lumuhod ng mapansin niya ang mga suot niyang alahas na kulay dilaw mula sa pagiging puti.

Drake: Teka, ano to? Kumupas ung silver? Hindi ginto ba to?
           Ginto nga ba? Anung nangyayari?
"Ito na ang pagbabago ng buhay mo''
(isang tinig na narinig niya mula sa harap niya, pagharap niya ay isang matanda na may belo na puti ang nakita niya)

Drake: Anu ho? Sinu po kayo?

Para siyang sinabuyan ng nagyeyelong tubig ng makita niya ang mata ng matanda , (kulay asul).

Drake: Diyos, ko!
Matanda: Wag ka matakot sakin, matakot ka sa nakuha mo, pinagbigyan niya ang hinihiling mo sana magamit mo ng maayos, mag-iingat ka dahil ito rin ang magiging simbolo ng pagsibol ng mga demonyo.
(sabay sa pandidilat ng mata)

Sa ganitong sitwasyon, natatakot man ay nagawa ni Drake magtanong sa matanda, "Anung hiling?" Mahinang pagatatanong niya sa matatanda.

Matanda: Isang hiling para sa kapangyarihan at kayamanan. Sana wag mo itong pagsisihan.

Matapos masabi ng matanda ang mga katagang ito nagbago ang anyo nito bilang isang paru-paro na tulad nungb batang nakita niya ngunit sa oras na ito, ang paru-paro ay kulay puti habang sa bata ay kulay asul.
Labis niyang ikigitla ang mga nangyayari, sa sobrang takot pinikit nito ang kanyang mga mata at nagisip. Upang mapatunayan ang nagyayari nagtungo siya sa sanlaan upang kompirmahin kung ginto nga ang nakasuot ngayon sa kanya. Sa kanyang paglalakad patungo sa sanlaan napapnsin niya ang mga tao na nakatingin sa kanya, sa mga mata nila ay makikitang para silang nakakita ng artista o sikat na personalidad.

     Malapit na siya sanlaan ng marinig niya ang isang grupo ng kakabaihan na tinatawag siya.

Babae: Hoy! Pogi!
Drake: Ako ba? (sabay turo sa sarili)
Babae 2: Oo ikaw!
Babae 3: Pwede bang makuha number mo?
Drake: Ha? Bakit? Ok lang (anu nangyayari?)
Babae: Thank you, Kuya! (pagkatapos ibigay ang number niya sabay kiss sa pisngi niya)

    Hindi niya alam kung anong reaksyon ang gagawin niya, nawiwirdohan na siya sa lahat ng nagaganap. Iiling-iling siya ng magtungo sa harap ng alahera, napansin niya rin na sobrang makatitig ang dalawang alahera sa kanya na parang gusto siyang ikama.

Alahera 1: Sir, anu po satin? (maarteng pagtatanong sa kanya)
Alahera 2: Magsasanla po ba kayo? Anu po sasanla ninyo? Kayo? este Iyang singsing?
Drake: (Nakataas ang kilay na natatawa) Ahh itong singsing ipapacheck ko lng kung tunay.
Alahera 1: Mukha namang tunay..... (nakatingin sa harapan niya,Lumingon ulit sa mukha) ung singsing.
           pero para makasure check po natin.
(Sabay kuha sa kamay ni Drake At dahan dahang kinuha ang singsing)
(Tumalikod ung isang alahera para icheck ung singsing)
Alahera 2: Bakit nyo po papacheck?
Drake: Benenta aksi skin tignan ko lng kung hindi ako naluko.
Alahera 2: Ganun ba? Hmmm wait lang sir ha!
Alahera 1: Sir 32K sir 7.5 g.
Drake: Ha! (nakadilat ang mata)

Sa sobrang kaguluhan ng isip, nagmadali na siyang sumakay ng jeep pauwi. Habang bumibyahe napansin niya ang mga tao sa loob na lingon ng lingon sa kanya. Pati driver tila gustong makipagkilala sa kanya. Isang binata na kaedaran niya, isang lalakeng halata mong bading, 3 studyanteng babae at isang maskuladong mama na kalbo na tingin niya ay isang gym instructor.Ilang na ilang siya sa mga titig ng mga tao sa loob ng jeep feeling niya hinuhubaran siya ng mga ito.

Drake: Bayad po! (pagaabot sa bayad)

Laking gulat niya ng abutin ng 6 na kamay ang pera niya.

Driver: Wag na iho, libre ka na!
Drake: Ha? Ganun po ba thank you po!
Driver: May lahi ka bang banyaga ato?
(Tanong na lubha niyang ikinagulat, sa buong buhay niya ngayon lang may nagtanong sa kanya ng ganun at tumingin sa kanya ng ganun)
Drake: Wala naman po? Bakit niyo nmn po nasabi?
Driver: Napakagwapo mo iho!

Sabay sabay naman nagsiayon ang mga pasahero sa loob, may kumukuha ng number may nagpapicture at nagtanong kung saan ako nakatira. Sa lahat ung mamang kalbo ang medyo nailang siya, himas kasi ng himas sa dibdib niya ito "Dapat palakihin mo pa to, dun kana lang sa gym ko palalakihin natin katawan mo!" Para makuntento nalang ito sumangayon nalng siya. Sa pagababa niya ng jeep nagsikaway pa ung mga pasahero na para bang close na close sila.

     Iba rin ang nararamdaman niya sa paglalakad papuntang bahay nila, ung mga taong iniisnab siya noon ay parang mga bestfriend niya na lumalapit at kinamusta siya, nagtatanong ng kung ano-ano, pati mga tambay "Pre" na ang tawag sa kanya. (Feeling close?) nagugustuhan na niya ang nangyayari para siyang isang sikat na artista na kilala ng lahat, parang kapangyarihan ni aprodity (Goddess of Love & Beuty) ang meron siya. Sa ideayang iyon naalala niya ang isang salita na hiniling niya.

"Gusto kong magkaroon ng 100 beses na doble sa kapangyarihan ni Aprodity sa pagkuha ng atensyon ng tao para hindi na ako mawawalan ng kaibigan at 1000 beses ng kanyang kagandahan upang maakit ko ang sinumang nanaisin ko. Pero syempre family not included"

Feeling niya para siyang isang diyos na sasambahin ninoman. Humarap siya sa salamin at napansin niyang parang may kung anong usok ang lumalabas sa kanya na kulay lila. Wala na ang mga pimples niya, wla ni isang marka , maganda ang kanayang mga daliri parang porselana ang balat niya at kulay darkgreen ang kanyang mga mata. Biglang humaba ang kanyang buhok hanggang kili-kili, kulot man ay tila napakalambot nitong tignan, hanggang may lumitaw na tao na pamilyar sa kanya.

Drake: Ikaw! Sino ka bang bata ka? Anong ginawa niyo sakin?
Bata: Ako si Adonis, diba hiniling mo na mas maganda, kaakit-akit, mas marikit at mas kapuna-puna ka sa aking ina ng ilang daaang beses. Ito na yun binigay niya ang hinihiling mo.
Drake: Ano? (Kaya pala ganun sila)
Adonis: Dahil si ina ay isang babae, binigay niya karikitan ng katawan ko sayo , dahilan upang bumalik ako sa pagiging bata. Ninais ko kasing maging bata ulit, at para maisakatuparan ito kailangan ko ng taong may kakayahang ahawakan ito. At ikaw ang taong yun!
Drake: anung meron ako? Na wala ang iba?
Adonis: Ikaw ang may kaisa-isang tao na may idea kung papano gamitin ang ganitong kakayahan sa mabuti, sa kabila ng alam din namin na maari mo rin itong gamitin sa pansariling kagustuhan.
Drake: Paano kayo makasisigurado na gagamitin ko ito sa tama?
Adonis: Hindi namin kailangang bantayan ka, Naniniwala ka naman sa karma diba?
Drake: Oo
Adonis: Ito ang iyong tandaan,sa bawat maling pagagamit mo sa iyong kapangyarihan, ay unti-unti itong lalakas sa iyong katawan hanggang hindi mo na ito makontrol. Magagawa  mong maakit ang sinumang masisilayan ka, hanggang hindi na nila makayang hindi ka makita, magsisimula ka ng gulo at kasakiman sa puso ng lahat ng makakakita sayo upang maangkin ka. Na ikakapapahamak mo, ng iba, ng iyong pamilya, at lahat ng nakapaligid sayo. Isang delubyo!

Sa pagkakasabi ni Adonis ng mga katagang ito isang napakagandang babae na walang kawangis ang karikitan ang lumabas sa emahe ng salamin.

Aprodity: Tandaan mo rin na, ang tanging makapagpapababa ng iyong kapangyarihan sa normal ay kung matutumbasan mo ng sampo ang isang pagkakamali. Nasasayo ang ikapapahamak at ikagaganda ng iyong kapangyarihan. Isa pang bagay sa iyong kahilingan na higitan ang aking kagandahan, ikaw ay isa nang imortal,ibig sabihin hindi ka tatanda o mamatay depende na lamang kung ito ay iyong gugustuhin.
Drake: Paano ko malalaman kung tama o mali, kung silang lahat naakit sakin?
Aprodity: Iba ang nagkukusa sa ipipilit.
Drake: Naiintidahan ko na, pero bakit naging ginto angmga alahas ko?
Adonis: Pasensya na, sa sobrang kagalakan kong bumalik sa pagiging bata, patia ang kaakyahan kong gumawa ng ginto ay naibigay ko sayo.hahahaahah
Drake: Ibig mong sabihin lahat ng hahawakan ko magiging ginto?
Adonis: hindi naman lahat, pero kung gagamitin mo rin ito sa masama hindi mo na rin ito makukuntrol. At pati lahat ng hahwak sayo magiging ginto kahit ano kahit tao.
 Drake: kung gagamitin ko ba ito para tulungan ang aking ina ok lng ba?
Adonis: Ok lng naman, basta wag itong sosobra sa iyong pangangailanagan.

Pagkatapos mabangit ito ay nagpaalam sila sa pamamagitan ng pagkaway, gusto pa sanang magtanong ni drake ngunit hindi na niya nagawa. Sa paglipas ng oras ay lalong nagbabago ang kanyang katawan, lumalaki ang kanyang mga muscle sa hubog na gusto niya, tumaas pa siya na tantya na ay mula sa 5''9 ay 6''5 na siya.
Napakagandang pagmasdan ng kanyang mga daliri na tila pinasadyang hubugin.


Itutuloy.......












No comments:

Post a Comment